HINDI masamang gumastos ng dambuhalang halaga sa isang single projects kung ang returns o pakinabang naman nito ay mas malaki at makatutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya.
Sa wakas ay maitatayo na ang matagal nang nabalam na entertainment and leisure city sa 40-ektaryang bahagi ng reclaimed area sa Manila Bay. Layunin nito na humatak ng mga dayuhang turista sa bansa along with its multiplier effects like more quality jobs for Filipinos and millions upon millions of dollars in earnings that should propel our economy to greater heights.
Akala ko’y hindi matutuloy ito dahil PAGCOR ang may programa. Kapag narinig ang pangalang PAGCOR, inaakala ng iba na ang proyekto’y may kinalaman sa sugal which is not quite right in the case of this gargantuan project. Actually, ang bawat maunlad na bansa tulad ng Hongkong, Singapore at iba pa ay may ganyang pasilidad. Binubuo ng mga first class hotels, amusement parks na mala- Disneyland, museum, fine dining restaurants, shopping complex at iba pang sentrong komersyal.
Sa kanyang pagsasalita kamakailan sa 33rd Philip- pine Business Conference na ginanap sa Manila Hotel, masayang ibinalita ni PAGCOR Chair Efraim Genuino na sisimulan na ang proyekto which is targeted for completion sa pagwawakas ng termino ni Presidente Arroyo sa 2010. What’s creative about this project is the fact that — mga local at foreign investors ang mamumuhunan para maitayo at walang magiging partisipasyon ang gobyerno sa pagpopondo. Ang maganda pa rito ay makapagbubukas ang programa ng mga trabahong de-kalidad para sa mga kababayan nating Pilipino.