Pardon pa rin ang usapan sa mga coffee shop, dinner table, party at saan man may pagtitipon ng Pilipino. Maging dito sa HongKong, ang pagpatawad kay Erap at ang kanyang pagtanggap dito ay nabibilang na rin sa mga pinag-aawayan.
Karaniwang dinaramdam ng mga tutol dito ang sa kanila’y pag-abuso ni GMA sa isang prosesong pinaubaya ng Konstitusyon sa Hukuman. Tila hindi nila batid na sa parehong Konstitusyon ay kinilala ng bayan ang kapangyarihan ng Pangulo na mag-gawad ng kapatawaran sa parusang hatol ng mga Korte. Hindi rin malampasan ng iba ang sa kanila’y special treatment naman na binigay kay ERAP: Paano naman daw ang mahirap — ang mga kinakatawan mismo ni ERAP - bakit sila kailangan bunuhin ang kaparusahan? Maaring bilanggo nga si ERAP ng anim na taon. Subalit bilanggong buko daw ito dahil house arrest lang at ni hindi nasilayan ang Munti. Ang sagot diyan, gaya ng idnidiin ng mga kampo ni ERAP, ay kakaiba ang sitwasyon ng dating pangulo. Gaya ng nasabi ni President Ford sa Amerika nang pinatawad si President Nixon, napagbayaran na raw nito ang wala pang katulad na kaparusahan na isuko ang pinakamataas na posisyong halal, ang pagkapangulo. Ilang tao ang makasasabing nakapagbigay ng ganyang sakripisyo?
Ang tunay na abuso sa pardon power ay ang makakita tayo ng mga kondisyon tulad ng “sapilitang pagtalikod sa pananampalataya” o di kaya’y hilingin sa nakakulong na magdonate ng kidney o iba pang bahagi ng katawan bago ito mapatawad. Hindi pagbaboy ang pagpata-wad sa kaaway ng nakaupo dahil, tulad ng mga amnestiya sa rebelde, ang pakay nito ay reconciliation at paghilom ng sugat ng lipunan.
Sa ibang mga bansa, ang kadalasang remedyo laban sa paniwala nilang pagbaboy sa pardon power ay ang impeachment ng pangulo. Kung hindi tala- ga matanggap ang ginawa ni GMA, ipaalam sa inyong Congressman nang makakilos ng nararapat sa darating na IMPEACHMENT proceedings sa Batasan.