Tinanggal sa trabaho nang walang sapat na dahilan

NATANGGAP sina Turing at Virgie na magtrabaho sa GPI noong July 6, 1998. Ang GPI ay kompanya na gumagawa ng mga makinang nagbibilang ng pera. Sumusuweldo sila ng P188 isang araw. Nasa seksyon sila na namamahala sa pag-iinspeksyon sa mga piyesang pinadadala sa GLJ, isang kompanya sa Japan na tanging bumibili ng nasabing piyesa at “sister company” din ng GPI. Bagamat nag-umpisa silang magtrabaho noong Hulyo 6, 1998 pumirma lamang sila nang kontrata noong Agosto 18, 1998. Nagtrabaho sila mula Hulyo 31 hanggang Agosto 30, 1998 bilang production operator sa production section.

Mula noon, tumagal din ng ilang buwan at taon ang serbisyo nila sa kompanya (Agosto 31, 1998 hanggang Oktubre 20, 1998; Oktubre 21, 1998 hanggang Nobyembre 30, 1998; Disyembre 1, 1998 hanggang Abril 27, 1999).  Nagpatuloy sila ng pagtatrabaho kahit pa nga wala na silang pinipirmahang kontrata sa kompanya. Ito na lamang Abril 27, 1999 sila muling pumirma ng kontrata para sa Pebrero 28 hanggang Abril 30, 1999.

Natapos ang kontrata ng GPI sa GLJ noong Abril 1999. Sa kabila nito, pumirma pa rin ng kontrata ang dalawa mula Mayo 1, 1999 hanggang Mayo 15, 1999. Nagpatuloy sila ng pagtatrabaho hanggang Mayo 25, 1999. Nitong huli, sina­ bihan sila ng mga guwardiya ng kompanya na tapos na ang kanilang kontrata at hindi na sila muling papasukin sa kompanya. Kaya’t noong Mayo 27, 1999, hiwalay na nag­sam­pa ng kasong illegal dismissal ang dalawa laban sa     GPI. Ayon sa kanila, regular silang empleyado at hindi sila maaaring basta na lamang tanggalin sa trabaho. Ayon  naman sa GPI, hindi permanente sa trabaho ang dalawa at naka­base lamang sa itatagal ng proyekto sa GLJ ang ita-tagal ng pagkuha ng GPI sa kanilang serbisyo. Tama ba ang kompanya?

MALI.  Ang basehan upang masabing permanente o hindi ang isang empleyado ay kung inatasan sila sa isang proyekto kung saan  may na­kasaad na partikular na pa­nahon ng pagtatapos o pag­wawakas nito. Ang mga trabahador dito ay 1) may par­­ tikular na proyektong kina­bibilangan at 2) may sad­ yang panahong itinakda upang tapusin ang nasabing pro­yekto na alam na sa umpisa pa lang ng pagtatra­baho.

Sa kasong ito, hindi mali­naw kung anong proyekto ang kinabibilangan ng dala­wa. Hindi rin napagkasun­duan kung gaano katagal ang panahong gugugulin sa pro­yekto. Ayon sa GPI, naka­base  ito sa itatagal ng tran­saksiyon sa GLJ. Ngunit  hindi naman ito naka­saad    sa kontrata. Wala ring kahit anong ebidensiya na mag­pa­patunay na ang serbisyo ng dalawa ay iba­batay sa nasa­bing transak­siyon sa GLJ.

Hindi rin sapat na sabi­hing itinatalaga ang dalawa sa isang proyekto. Simula pa lamang ng trabaho ay dapat na may malinaw nang kasun­duan kung kailan ma­tata-  pos ang nasabing pro­yekto. Dapat ay wala ring pag­liban sa pagpirma ng kontrata.

Panghuli, ang mga pag­babago sa tungkuling ini­aatas sa dalawa ay magpa­patunay na hindi lamang pansaman­tala ang kanilang ginaga­wang trabaho. Mali­naw na umiiwas lamang ang GPI sa regularisasyon ng dalawa.

Apat na beses ding pu­mir­ma ng kontrata ang da­lawa. Patunay na kailangan ng kompanya ang trabahong ginagawa nila. Base sa lahat ng ito, malinaw na ta­lagang regular na emple­yado sina Virgie at Turing.

Hindi sila ma­aaring tang­galin sa trabaho kung wa­lang sapat na dahilan at kung hindi ito dumaan sa proseso. Hindi makataru­ngan ang ginawa  sa kanila kaya nararapat lamang na ibalik sila sa ka­nilang tra­baho ka­sabay ng pagbaba­yad ng suweldong nawala sa kanila. Kung sakali na­mang hindi na ito maga­gawa ng kompanya, dapat silang bigyan ng separation pay na hindi bababa sa isang buwang suweldo kada isang taon ng serbisyo. (Glory Philippines Inc. vs. Vergara and Tumasis, G.R. 176627, August 24, 2007).

Show comments