Sec. Puno at Gen. Calderon nilalapastangan ng jueteng lord!

PATULOY na nilala­pastangan ng jueteng lord ng Sorsogon na si Leony Lim ang pangalan nina Interior Sec. Ro­naldo Puno at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calde­ron dahil hindi naman nahinto ang illegal na negosyo niya. Paano naman mahihinto ang jueteng ni Leony Lim eh aabot sa P250,000 week­ly ang intelihensiya niya sa ating kapulisan at    iba pang ahensiya ng gobyerno. Sino pa ang huhuli sa mga puwesto ni Leony Lim sa Sorso­gon kung kumpleto-rekado ang intelihensiya n’ya?

Ang balitang naka­ rating sa akin, P150,000 weekly ang ipinarara-ting ni Leony Lim kay  Sr. Supt. Balligi Tira, ang hepe ng PNP PRO5 sa Bicol. Ang sa bulsa na­man ni Dir. Edgardo Doromal ng CIDG ay P75,000 weekly, anang report na nakarating     sa akin. At si Atty. Joel Descallar o Atty. Bal­tazar naman ay P25,000 weekly din, he-he-he! Tiba-tiba pala sina Tira, Doromal at Atty. Des­callar dito sa jueteng ni Leony Lim, no mga suki?

Kung sabagay, hindi naman dapat indahin ni Leony Lim ang nilalabas niyang intelihensiya sa PNP bunga sa aabot na­man sa P1 milyon kada araw ang kanyang ku­bransa sa jueteng sa Sorsogon. Kaya’t malaki pa rin ang pumapasok sa kaban ni Leony Lim at wala na siyang kaba na baka mahuli pa ang mga puwesto niya. At kung may intelihensiya si Leony Lim sa PNP hindi tiyak maiiwan ang mga pulitiko diyan sa Sor­sogon, di ba mga suki? Kaya habang ang sam­bayanan ay abala sa pag-monitor ng kala­labasan ng nakaraang election, aba umaa­lag­wa naman ang jueteng ni Leony Lim, he-he-he! Sobrang buwenas ni Leony Lim at siya lang ang may jueteng sa Bicol sa ngayon, di ba mga suki? Hanggang kelan kaya ang buwenas niya?

Ang sinisisi ng taga-Bicol sa patuloy na jue­teng operation ni Leony Lim sa Sorsogon ay itong si Atty. Descallar o Atty. Baltazar. Ayon sa balita, si Atty. Descallar at Atty. Baltazar ang su­misiguro kay Leony Lim na sina Sec. Puno at Calderon ang may bas­bas sa pagbukas ng jueteng sa Sorgoson. Si Atty. Descallar ay naka-assign sa DILG subalit kapag kausap niya ang mga jueteng lords at iba pang gambling lords ang alyas na Atty. Baltazar ang gamit niya. At ayon pa kay Att. Descallar o Atty. Baltazar nasa Pag­cor siya at may linya siya para sa larong STL.

Kaya habang patuloy ang jueteng sa Sorso­gon, tinitingala ng sam­bayanan sina Sec. Puno at Calderon kung ano ang aksyon na gagawin nila. Habang tahimik  kasi sina Sec. Puno at Calde­ron sa jueteng ni Leony Lim ay nanganga­hulugan lang na tama ang pagyayabang ni Atty. Descallar o Atty. Baltazar na may basbas nila ang naturang sugal nga. Sino kaya ang may bayag kina Sec. Puno at Calderon para mag-utos na mag-raid ang jueteng ni Leony Lim sa Sorso­gon para patunayan na hindi nakarating sa bulsa nila ang grasya ng jue­teng nga.

Abangan!

Show comments