‘Kulang sa pag-iisip ni-rape’

ANG RAPE AY ISANG HEINOUS CRIME NA DAPAT sana patawan ng kaparusahang kamatayan kung merong mga "aggravating circumstances."

Alam kong inabolish na ang Deth Penalty pero kung ang biktima ay may kapansanan sa pag-iisip walang kapatawaran ito. Kung totoo nga ang mga alegasyon ng nagrereklamo para sa kanyang anak ang biktima ay dapat dalawang beses i-lethal injection. Ganito ang mga pangyayari.

Nagsadya sa aming tanggapan si Julie Torres ng Marikina City upang humingi ng tulong na maaresto ang mga suspek na responsable sa panggagahasa sa kanyang anak.

Ang biktima na itago na lamang natin sa pangalan Joy ay sa Bicol namalagi kasama ng asawa at mga anak nito. Umuwi lamang ito sa bahay ng kanyang ina sa Marikina dahil nais niyang makapiling naman ang mga magulang at mga kapatid niya. Matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang pamilya.

Hindi naman kinaila ni Julie na ang kanyang anak na si Joy ay dati ng na-confine sa mental hospital dahil may mental problem ito. Sa kabila naman ng kanyang sakit ay may isang lalaki naman ang nagmahal sa kanya hanggang sila ay makabuo ng isang pamilya.

Ika-4 ng Marso 2005 nang magsilang si Joy para sa ikalawang nitong anak. Kung minsan umaatake ang sakit ng biktima subalit bumabalik naman ang lahat sa normal.

Ika-30 ng Abril 2005 bandang alas-9 ng gabi naghahanda ang mga Torres para sa kanilang hapunan. Nagpresinta ito na siya na lamang ang bibili ng yelo sa tindahan. Pagdating nito sa tindahan nakita niya maraming kalalakihan ang umiinom ng alak. Ang isa sa mga ito ang lumapit at kinausap ang biktima. Nagpakilala ang lalaki na ang pangalan niya ay Buboy at napag-alamang Jay Grefaldo ang tunay nitong pangalan.

Dahil sa may problema sa pag-iisip, madaling na-enganyo ang biktima. Di-umano’y pinaupo siya ng grupo ng mga kalalakihang ito. samantala itong si Buboy naman ay nagsimula na siyang ligawan. Pinainom ng pinainom ang biktima hanggang sa ito ay malasing. Sa labis na kalasingan ng biktima hindi na nito makontrol ang sarili.

Dinala sa isang bahay ang biktima na pag-aari ng isa sa mga suspek, sa Lower Balite, Parang, Marikina City. Binuhat ng mga suspek at inilapag sa sahig sa nabanggit na bahay. Naramdaman niyang may nagtaas ng kanyang palda at nag-alis sa kanyang panty. Bamagat nanghihina, ramdam na ramdam ni Joy na ginalaw siya nang ipasok ang ari ng suspek sa kanyang ari.

Pinilahan ang kaawa-awang biktima ng mga suspek na kinilalang sina Jay Grefaldo, Leo Setoya, Ryan Serrano, Raymond De Vera, Reynaldo Tee, Robert Tee, Ruel Tan, Marlon Ocellos.

Labis namang nag-alala si Julie nang ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang kanyang anak samantalang yelo lang naman sa tindahan ang bibilhin nito. Hinanap ni Julie ang kanyang anak subalit bigo siyang matagpuan ito kaya minabuti na lamang niyang hintayin ito sa bahay.

Alas-3 ng madaling-araw, ika-1 ng Mayo 2005 nang makauwi sa bahay si Joy. Tinanong nito ang kanyang ina kung adik ba ang mga lalaking nakilala niya sa labas ng kanilang bahay.

"Ang sabi sa akin ng anak ko nilasing daw siya nung mga lalaki sa tindahan at pinagtripan din siya ng mga ito. Nang sabihin niya sa akin ‘yun bigla na akong kinabahan. Sinabihan ko siya na magpahinga na lang siya," sabi ni Julie.

Kinaumagahan nagpunta si Julie sa kanilang barangay upang ipaalam ang nangyari sa anak. Pagbalik niya sa bahay wala na naman si Joy kaya hinanap niya ito. Nakita niyang kumakanta ang anak sa videoke. Bumalik muli sila sa barangay subalit sinabihan sila na sa himpilan ng pulisya na sila magbigay ng pahayag.

Noong una ay ayaw magpasuri ni Joy dahil sa inaakala niyang pinapahiya lang siya ng kanyang ina. Hindi naman agad siya nakapagpasuri dahil sa may menstruation ito kaya pinabalik na lang sila. Lumabas naman sa medico-legal report ni Dr. Joseph Palmero ng Crime Laboratory, Camp Crame, Quezon City na positibong ginahasa ang biktima.

Nagsampa ng kasong Rape ang pamilya ng biktima laban sa mga suspek. Tanging si Jay lamang ang nagbigay ng kanyang kontra-salaysay habang ang tatlo naman ay hindi dumalo sa preliminary investigation na isinagawa ni Fiscal Linda Adame-Conos ng Marikina Prosecutor’s Office. Mariin namang itinanggi ni Jay ang bintang na may kinalaman siya sa di-umano’ y panggagahasa sa biktima. Sinabi nito na madalang siyang lumabas ng bahay dahil sa kanyang kapansanan. Inurong naman nina Julie ang kaso laban kina Reynaldo, Robert, Ruel at Marlon.

Halos magdadalawang-taon din ang nakalipas magmula nang mangyari ang insidente naghintay ang pamilya ni Joy sa pagbaba ng resolution. Pumabor naman ang kaso at may warrant of arrest na rin laban sa mga suspek na sina Jay, Raymond, Marlon at Leo. Hangad ng pamilya Torres na mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Joy. Umaasa silang mahuhuli rin ang suspek nang sa gayon ay pagbayaran ng mga ito ang krimeng ginawa nila.

Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay-alam sa kinaroroonan ng mga suspek maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

E-mail address:
tocal13@yahoo.com

Show comments