‘Niluto ang karera’

NOONG nakaraang Linggo habang ako ay nanonood ng karera sa telebisyon, INAABANGAN KO ANG LABAN NI Real Spicy at Empire King, may kabayong Hepburn na tumakbo yata sa race 3. Siya ang pinakapaborito. Outstanding nga. Ito ay sasakyan ng hineteng si Ga Rivera o Gibs Rivera.

Nang magsimula nang kumarera ang mga kabayo, maliwanag kong nakita itong si Ga Rivera ay inintensyon na mahulog sa sinasakyan nitong kabayo kung saan marami ang nagulat na mananaya dahil tumaya sila sa paboritong kabayo na ito dahil sa because of the magnificent fashion it won the last time it ran.

"Ayokong isipin na si Boboc Domingo at si Jim Veloso ay tinatakpan ang mga nangyari ng sabihin nila on nationwide television that Gibs Rivera has a suspected hip fracture. Si Veloso naman ay nagsabi na natamaan daw ang paa ng hinete sa kabayong Touch of Glory."

Suspected hip fracture my foot? Tell that to the marines! Just last night he rode the horse Valid Hazm in the last race, number 6 and he won. This disproves the fact that he has a hip fracture. He is well fit and in good condition."

Niloloko lang nila ang bayang karerista! We also deserve it kasi alam na nating niloloko tayo we keep on patronizing it. Wala namang ginagawa itong si Gen. Florencio Fianza para linisin ang karera.

Libu-libo o milyung-milyon racing aficionados should get what’s due them. Sa katunayan nito ay hindi ko nga nakikita ang General Fianza sa Sta. Ana o kahit sa SLLP na pinapanood ang mga karera. Anong klaseng Chairman yan!

Kami na nagbabayad ng buwis sa gobyerno ang nagbibigay ng suweldo sa kanila pero wala naman silang ginagawa dito. At least Gen. Fianza, ang aking suspetsa further bolstered by the fact that Hepburn won with Ga Rivera, when BM Rivera was at the helm. The other Rivera did a wonderful job so why change him? "If it ain’t broke why fix it?" sabi nga sa isang kasabihan.

Obviously Ga Rivera had a task to do and he did it magnificently. Take a dive, a fall and somersault and come out unscathed. To prove my point some more, that Sunday Ga Rivera had only one (1) rideand that was aboard Hepburn. He was not scheduled to ride any other horse. Makalipas ang tatlong araw, milagrong kaya na nitong sumakay sa kanyang kabayo ng ganoong kabilis at manalo sa kanyang horse third favorite. Asan ang suspected hip fracture Boc?

Okay, si Gen. Fianza ay hindi makapagbigay ng anumang pahayag patungkol sa nangyayari sa karera. Paano naman ang kaibigan kong si Commissioner Eduardo Domingo, Jr.? Utang n’yo sa mga mananaya at ang sports na ginawa ninyo at kumikita ng limpak-limpak na salapi

You owe it to the bettors and the sport that made you famous and earn a lot of money to clean it up. Boboc said that motto propio he can call for an investigation. We’ve heard that line once too often. Nothing will come out of it agin and the loser is the betting public. Lastly, wasn’t the fall of Ga Rivera replayed for transparencies sake. For the people who place their money on it knowing it would win?

Gaya ng ipinangako na nailalathala ko ito sa aking column "CALVENTO FILES sa Pilipino Star Ngayon" at sa aming radio program ni Sec Raul Gonzalez, ang "Hustisya Para sa Lahat" mula Lunes hanggang Biyernes alas-3 hanggang alas-4 ng hapon sa DWIZ 882 am band ay babanggitin ko ang bagay na ito sa kanya. Malayo na ang narating nito. Mariing kong isa-suggest kay Secretary Gonzalez na padalhan ng summon ang mga tapes at si Ga Rivera, ang may-ari ng Hepburn at ang tanggapan ng National Bureau of Investigation ang magsagawa ng imbestigasyon patungkol dito.

Wala tayong maaasahan sa PRCI. Maaari kayong tumawag at magbigay ng opinion hinggil sa mga dayaang nangyayari sa karera at magiging confidential ang lahat ng impormasyon ng inyong sasabihin. Alam namin na may hindi magandang nangyayari dito pero nanatili pa ring walang aksyon. Siguro ito na ang panahon na kumilos na at maiparating sa kanila ang hinaing ng bawat tumatangkilik sa bayan karerista. Garapalan na.

Itong si Ga Rivera ay dapat na masuspinde kahit na anim na buwan dahil sa panloloko niya sa mga tao at pati na rin ang kabayo nito ay dapat ding masuspinde at maging ang lahat ng namamahala sa karera ay mabigyan ng leksyon.

Gen Fianza and the race of the officials of the PRCI SHOULD REALIZE THAT THEY DRAW THEIR SALARIES FROM TAXES YOU AND I PAY AND FROM THE GROSS RECEIPTS OF EVERY RACE. ALRIGHT SIR?!?

Para sa anumang comments o reaction maaari kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Maaari din kayong tumawag sa 6387285 o sa 6373965-70. Ang aming tanggapan ay sa 5th City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pas ig City.

Narito ang ilang comments ng mgs miembro ng Pinoy Horse Fanatics na dapat bigyan pansin ng NBI sa kanilang isasagawang imbestigasyon sa insidenteng ito.

COMMENTs: Maidagdag ko lamang po kung inyo pong mamarapatin Anong silbi ni Comm. Boboc Domingo ? Sayang lang ang pinapasweldo sa kanya. NA DI MATANGGAP NG KANYANG KAIBIGAN kung bakit daw pati siya ay pinupuntirya. Pwede ba hwag ka ng mag-maangmaangan pa. You’re on a wrong foot. You can put your foot down BUT YOU CAN NOT PULL OUR LEG. Nararapat lang na DAPAT SIBAKIN si Comm.Domingo. Wala tayong mahihita. Kanino bang panginteres ang kanyang pinoprotektahan. 1) Nagtataka ako nuong Linggo (Prime Channel) kung bakit HINDI NIREPLAY kahit hanggang sa mahulog lamang upang maipakita sa bayan karerista ang TUNAY NA PANGYAYARI. Samantalang mayruon siyang karapatan na ipaulit ito. BAKIT ? NASAAN NGAYON ANG PROTEKSYON NG BAYAN KARERISTA? 2) MAY BALI DAW NUONG LINGGO, PERO BAKIT NILA PINAYAGAN ITO NA MAKASAKAY KAHAPON ? Ang bilis naman niyang makarecover. Is this just an excuse. 3) NAGPATAWAG BA NG ISANG IMBESTIGASYON ANG MGA INUTIL NA STEWARDS ? KUNG WALA, NAGPATAWAG BA SI COMM. BOBOC? May ginawa ba siya pagkatapos ng insidente? ITO AY NAGPAPATUNAY NA NILOLOKO LAMANG TAYONG MGA BAYAN KARERISTA.

E-mail address: tocal13@yahoo.com

Show comments