Pero tila nagbago na sila. Ito’y ayon kay negosyante’t pulitikong Ray Orosa, na binatikos ang "kargadong" huling survey ng SWS, pinamagatang "Project Rostov", nu’ng Mar. 18-23. Genuine Opposition ang nagpa-survey. Ayon kay Orosa, may tatlong paraan para maluto ang resulta sangayon sa nais ng pollster o kliyente: Naka kanal, panglito at ma-opinyong tanong. Lahat daw ito’y ginamit ng SWS sa Project Rostov para pumabor ang resulta sa GO.
Ilan ito sa mga kargadong tanong, na pinasagot ng "oo" o "hindi":
• Malimit magbulaan si Presidente Arroyo sa sinasabi sa publiko.
• Nagnanakaw si First Gentleman mula sa kaban ng bayan.
• Mandadaya si Presidente Arroyo sa 2007 elections para maipanalo ang mga kandidato niya.
• Nagnanakaw si Presidente Arroyo mula sa kaban ng bayan.
• Anomang pag-unlad ng ekonomiya ang iwasiwas ng kasalukuyang administrasyon, hindi ko ito nararamdaman.
Walang tanong na kontra-karga sa mga ito, ayon kay Orosa, tulad ng "hindi nagbubulaan si Arroyo" o "hindi nagnanakaw si FG." Pinalabas na statements of fact ang mga malisyosong tanong. Walang magagawa ang respondent kundi sumang-ayon. Ani Orosa, parang itinanong sa isang mister kung "binubugbog mo pa ba ang misis mo?" "Oo" man o "hindi" ang isagot, naipakita mo nang masama si mister.
Samantala, ibinunyag ni John Osmeña ng GO na hindi siya nagbigay sa Pulse Asia ng singil na P300,000 kada sena-torial candidate. Umatras tuloy siya sa No. 16 mula No. 12.
Hindi pa nagpapaliwanag ang SWS at Pulse Asia.