‘Party-list’

ANG sistemang party-list ay isa sa mga probisyon ng ating Saligang Batas na nilikha upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tinatawag na "marginalized sector" sa ating lipunan na direktang bigyan ng representasyon sila sa Kongreso upang isulong ang kani-kanilang interes.

Dagdag pa rito, layunin ng party-list na himukin ang mga argabyadong sektor ng lipunan na maniwala sa demokratikong sistema upang magbigay solusyon sa mga malalaki at pundamental na problemang bumabagabag sa ating lipunan hindi na dadaanin sa dahas at paghawak ng sandata at mga susing dahilan kung bakit patuloy sa pagkakahati-hati ang mga Pilipino.

Subalit nakalulungkot na sa ilalim ng rehimeng Arroyo, ang party-list system—batay na rin sa mga lumalabas na dokumento ay political agenda ng administrasyon at lumalabas na pasok na rin sa malawakang pang-aabuso.

Bukod sa sinasabing "pagbebenta" umano ng mga accredited party-list (na direktang pagsalaula sa espi- ritu ng party-list na inilatag ng ating Konstitusyon) lumalabas pa ngayon ng gagawin din itong instrumento ng rehimeng Arroyo upang makapag-upo ng mga kandidato sa Kongreso na walang gagawin kundi tiyakin na mananatiling nakaupo sa Malacañang ang isang presidente na walang kredibilidad at legal na personalidad upang patuloy na pamunuan ang mga Pilipino.

For us, it is significant that Comelec chairman Benja-min Abalos was forced to partially reveal the "partial list" of nominees of various accredited party list groups that include among others, his own brother.

It is doubly significant that majority of new party list groups approved by the Comelec can only be expected to serve NOT the interest of the marginalized sectors that they are supposed to represent but rather, the political interest of only one person: Mrs. Gloria Macapagal Arroyo. Meanwhile, the unabated killing of leaders and mem bers of progressive party list groups continues thus further undermining the party list system as a credible and viable alterna-tive avenue towards meaningful social change.

Kung ganito nang ganito na walang pakundangang pang-aabuso sa kahit anong probisyon ng ating Saligang Batas ang mangyayari, hindi rin mailalayo sa landas ng dahas ang ating mga kababayan upang baguhin ang mga pundamental na problema ng ating lipunan.

Masahol pa, lalo lamang idinidiin ni Mrs. Arroyo sa isipan ng ating mamamayan na tulad ng kanyang gobyerno, peke at walang sustansiya ang "demokrasya" na umiiral sa ating bansa ngayon.

Show comments