Brodkaster pa lang sa Channel-9 towards the last years of the Marcos regime, si Loren ay kilala ko na. Di ko akalaing magiging political big-shot siya. Kumakain pa kami kung saan-saan, along with other friends in media ni Loren at tingin ko’y wala namang ambisyong sumuot sa magulong mundo ng politika. She was just one of us in every way. The last time na nagkausap kami, dumaing si Loren dahil sa mga paninira sa kanyang pagkatao ng ilang naiinggit na politico. Nagpapakalat daw ng mapanirang text messages na hindi na natin uulitin dahil masyadong personal. Aniya, wala namang perpektong tao pero bakit siya ang pinagdidiskitahan. Sabi ko, pinasok mo ang politika, magpakatatag ka.
Ilang surveys na ring ang ginawa ng iba’t ibang ahensya and we have yet to see ang pagdausdos ni Loren kahit man lang sa ikalawang posisyon, bagay na hindi nangyayari with only a few weeks before the May 14 polls.
Bukod sa track record niya nung siya ay Senador pa, taglay ni Loren ang simpatiya ng marami na naniniwa-lang biktima siya ng dagdag-bawas nung na karaang vice presidential elections. Advantage din ni Loren ang kanyang karisma, integridad at kawalang-bahid ng kanyang pa nunungkulan sa Senado mula 1998 hanggang 2004.
Ang kanyang maprinsipyong pagbubunyag sa dayaan na nangyari noong 2004 election ay nakatanim na rin sa kaisipan ng lahat ng Pilipino.