The green candidate

MIGS ZUBIRI, poster boy ng pulitikang pang-Kalikasan. May K nga naman tawaging "the GREEN candidate" bilang may-akda ng BIOFUELS LAW na nagtakdang haluan ng sugarcane o coconut fuel ang binebentang gasolina sa Pilipinas. Bilyong piso ang matitipid! Mababawasan ang pagkagapos natin sa tanikalang langis. Sisigla ang ating sugar and coconut industry. At ang bonus, mas malinis ito sa purong gasoline. Malinis na usok, at hindi maitim, ang ibubuga sa himpapawid.

Ang kandidatura (at mga isyu) ni Zubiri at ng ibang first timer (sa GO, anim ang kandidato ng kabataan) ay tanda ng pagbabago ng pulitika. Bago ang EDSA I, matrikula sa pagkasenador ay ang makita’t makilalang personal ng botante sa probinsiya. Kritikal ding maging miyembro ng partido nang pakinabangan ang makinarya. Kung hindi ang angking talino, galing ng pakisama sa kapwa opisyal ang sekreto. Ngayon iba na ang matematiks. Dahil napakalawak ng abot ng tri-media, basta marunong kang umepal ay araw-araw pasok ka sa pamamahay ng bawat pamilyang may TV, radyo o diyaryo.

Ganito nagpakilala sa Pilipinas si MIGS ZUBIRI. Isa sa SPICE Boys na parating laman ng media. Ang iingay ng tinig laban sa inakalang mali ni ERAP. Nang nabig yan ng puwesto ni GMA ay parang isa isang naging kimi. Naglahong bigla ang boses ng katwiran. Si Zubiri na Chairman na ng mahal niyang Committee on Natural Resources ay walang pakundangang ipinagpalit ito sa mas glamoroso at kontrobersyal na Committee on Legislative Franchises. At buhay niya raw ang usaping kalikasan?

Sa nasupalpal na GMA Charter change, isa si Zu-biri sa gustong buwagin ang Senado. May ugali itong isisi sa Senado ang hindi agarang pagpasa ng kanyang mga mungka- hing batas. Para bang perfect na ito, bakit kikilatisin pa? Nasermunan nga ni Sen. Miriam nang akusahan ang huli ng mabagal na aksyon sa BIOFUELS act. Ani Miriam, mag-isip daw muna bago magsalita at makinig muna bago magparatang. Ganyan ang sistema sa Senado bata. Parang sinabing masyado pang GREEN si MIGS – kung baga sa mangga, HILAW PA.

Graduate ng Agribusi ness sa U.P., Los Baños. 3-term congressman ng Bukidnon. Environmentalist, sportsman, TV host.

MIGS ZUBIRI
Kwalipikasyon: 79
Plataporma: 90
Rekord: 81
Total: 83.3

Show comments