Anila, walang epekto ang pagiging dating pangulo ni Jinggoy ng League of Municipalities of the Philippines noong nakaupo pa si President Erap Estrada sa Malacañang upang matulungan ang tiket ng oposisyon sa hanay ng mga local government unit.
Sa ganang akin, ang ganitong opinyon ay simpleng intriga lang na wala namang basehan dahil taliwas ito sa katotohanan.
Maari ngang nabawasan ang impluwensiya ni Jinggoy sa mga LGUs matapos ang EDSA Dos subalit hindi naman nila nakalimutan ang mga magagandang nagawa sa kanila ni Jinggoy noong ito ang LMP pre sident at ni President Erap mismo, noong ito pa ang nakaluklok sa Malacañang.
Dama ni Jinggoy ang gipit na kalagayan ng mga ma-liliit na munisipyo kaya nga noong siya pa ang LMP presi-dent, nagawa niyang pagkalooban ang lahat ng 4th class municipality sa bansa ng ayudang P1 milyon bawat isa.
Ang ayudang ito sabihin pa, ay bukod pa sa mga naitulong sa ating mga LGUs ni President Erap sa pamamagitan ng kanyang mga programang nakatuon sa mga kanayunan, partikular sa patuloy na pagpapasigla ng ating agrikultura.
Sa lahat ng ito, ang mga direktang nakinabang sabihin pa ay ang mga LGUs at ang mga mahihirap nating kababayan sa kanayunan. Hindi ko lang alam kung ang pagmamalasakit na ito ng administrasyong Estrada para sa mga LGUs ay nagawang higitan o tapatan man lang ng kasalukuyang rehimen.
At siyempre pa, ang tagumpay ni Jinggoy sa halalan noong 2004 ang pinakamatibay na pruweba laban sa mga paninirang ginagawa ngayon sa kanya ng Team Unity ni GMA.
Sa ganang akin, ang aktibong pagtulong ng pamilya Estrada sa tiket ng oposisyon ang bagay na labis na ikinatatakot ng kampo ni GMA dahil alam nila na kahit sa kabila ng mga panggigipit at paninira nila kay President Erap at sa aming pamilya, patuloy pa ring malapit ang kalooban at mainit ang pagtanggap ng ating mga kababayan kahit sa mga malalayo at liblib na lugar sa mga probinsiya.