Tama ang obserbasyon at babala ni Senador Ralph Recto sa pamahalaan. Isang larawan ni Satur Ocampo sa likod ng rehas na bakal ang pinakamagandang election poster para sa Bayan Muna.
So, ito ang payo ni Ralph: "If I were the government, I would go easy on Satur, because if the aim in arresting him is to prevent him from returning to Congress, then recent developments may have just guaranteed the opposite," aniya.
Pero talagang kahit si GMA ay walang magagawa upang pigilan ang pag-uusig kay Ka Satur. Ang hudikatura ay hiwalay na sangay na hindi puwedeng pagkialaman ng Pangulo. Pero boomerang sa Pangulo ang nangyayari. Iniisip ko, hindi kaya yung mga nagkukunwaring kaalyado ng Pangulo na nasa loob ng pamahalaan ang may gawa nito? Baka ang tunay na intensyon nila’y wasakin ang Pangulo at humakot ng boto para sa kalaban.
Kasi, ang political persecution, ayon mismo kay Recto ang subok na paraan para magmukhang kawawa at humakot ng boto ang isang kalaban ng administrasyon. May katuwiran. Marahil, kung mabait ang magiging trato ng gobyerno kay Ka Satur at sa iba pang party list reps na identified na maka-kaliwa at may kaso, hindi kukuha ng simpatiya ang mga ito sa nakararaming taumbayan.