Isa sa mga halimbawa ay si dating ARMM governor at MNLF chairman Nur Misuari. Nag-file na ng candidacy si Misuari noong Martes para tumakbong governor ng Sulu. Tatakbo siya sa ilalim ng KAMPI na partido ni President Arroyo.
Si Misuari ay kasalukuyang naka-house arrest dahil sa kasong rebellion na kinakaharap niya. Pinagbigyan ng korte ang kanyang request na makatakbo bilang governor. Ayon sa korte hindi pa naman daw convicted si Misuari kaya maaari siyang mag-file ng kandidatura.
Nakatatawa ang takbo ng pulitika sa bansang ito. Kahit sino ay maaaring makatakbo sa election. Kahit na nga may kaso na katulad ni Misuari. Paano kung sa kasagsagan ng election ay biglang mahatulan si Misuari e di biglang nawala rin ang karapatan niyang tumakbo dahil convicted na siya. Nakatatawa talaga ang sistema sa bansang ito. Makabubuting ang problemang ito ang pagsika- pang lutasin ng mga mananalong mambabatas sa nalalapit na election. Huwag hayaang makatakbo ang mga may nakabinbing kaso. Kailangang malinis sila at walang bahid ang pangalan bago makatakbo sa election. Paano pagtitiwalaan ang mga may kaso? Paano sila magiging halimbawa ng mamamayan kung may nakabuntot sa kanilang mga kasong patung-patong.
Hindi lamang si Misuari ang gustong kumandidato kahit may kaso. Hindi ba’t pati si dating congressman Romeo Jalosjos ay gustong tumakbo bilang partylist representative habang nasa kulungan.
Ano sila sinusuwerte?