Ito’y pangalawang beses na naming pamamahagi ng tulong sa mga biktima nang matabunan ng mga ga-bahay na bato at buhangin mula sa bulkang Mayon.
At dahil sa likas na matulungin ang aming Presidente at Chief Executive Officer na si Miguel Belmonte na siya ring over-all chairman ng Damayan Foundation ay muli niya kaming inatasan na magsagawa ng relief operation sa naturang lalawigan.
Sa aming mga pinamigay na pala, lagari, martilyo, metro, balde, groceries, bigas at mga gamot sa ubo’t lagnat ay makahulog luha ang aming nadarama sa mga taong aming napagbigyan.
Nakatataba ng puso ang taos puso nilang pasasalamat sa aming grupo ng kanilang mapasakamay ang tulong na relief goods noong Marso 10, 2007. Hindi madali para sa aming grupo ang maglakbay mula sa Maynila ng mga araw na iyon dahil talaga namang abnormal ang klima sa naturang lugar.
Naranasan naming mabasa sa malakas na ulan at sakit sa balat sa tindi ng sikat ng araw ng kami ay mamudmod ng ticket sa mga bahay-bahay sa mga barangay ng San Isidro at Lidong sa Sto. Domingo. Maging sa Barangay Padang ng Legaspi City at Barangay Cullat sa Daraga.
Dama namin ang kalungkutan nang muli naming makita ang dati-rati naming napagbigyang mga bara ngay ng mga relief goods na tuluyan nang nabura sa mapa matapos na tabunan nang malalaking tipak ng bato at buhanging itim na nagmumula sa dalisdisan ng bulkang Mayon.
Noong una kaming magtungo roon noong nakaraang taon ay nakapamigay kami ng tulong sa mga Barangay ng Maipon at San Rafael sa Guinobatan, Camalig, Daraga, Legazpi City at Tabaco Albay na halos may nakikita pa kaming kabahayan subalit iilan lamang ang nakatira dahil karamihan sa mga residente roon ay nagsilikas na pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation site na inilaan ng mga opisyales ng mga lalawigan.
Subalit nitong muli kaming magtungo ay aming nakita na halos lahat ng kabahayan ay hinuhukay ng mga may-ari ang kanilang mga gamit ng ito’y magbalikan sa kanilang mga tahanan.
Labis ang kanilang kasiyahan sa dala naming carpentry tool at pala dahil malaking bagay para makatulong sa kanila na muling maitayo ang kanilang mga tahanan.
Subalit ang trauma ay nasa isipan pa rin ng mga residente roon dahil sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan ay nagiging balisa sila sa pangambang muli na naman aagos ang mga volcanic debries ng Mayon.
Napapawi lamang ang kalungkutan ng mga residente roon kung may mga tulong na dumating sa kanila o dili kaya’y may mga taong dumadalaw sa kanilang lugar upang makita ang kanilang kinasasapitan.
At kabilang ang Operation Damayan sa nagbi- gay sa kanila ng kunting kasiyahan na makalimutan ang isang bangungot na dinanas sa malupit na bagyong Reming sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong at pagbibigay ng kunting payo.
Sa inyo lahat riyan na aming nakadaupang pa-lad, ipagpatuloy po ninyo ang inyong pagsisikap na muling makaahon sa paghihirap at kami naman sa Damayan Foundation ay patuloy na mag-iipon at manghihingi sa mga taong may mabuting kalooban upang kayo’y aming muling matulungan kahit kaunting bagay.
Salamat po nang marami sa pagdarasal ninyo at patuloy na pagtangkilik ng aming diyaryong Pilipino Star NGAYON, Philippine STAR, PM Pang-Masa, Freeman at Banat News na patuloy sa pagiging No.1.