Kung ako si Sotto, Oreta at Angara, ignore ko na lang ang mga ganyang patutsada. Afterall, ang linya ng administrasyon pagdating sa kampanya ay walang mudslinging o personalang paninira. Ang naninira ng personalan ay daig pa ang batang paslit. Pagdating sa pangangampanya, it’s better to stick to real issues at iwasan ang pananabotahe ng pagkatao.
Halimbawa, maganda ang platform ni Sotto sa intensyon niyang mag-senador: Sugpuin ang kahirapan.
Makatotohanang isyu ang talamak na kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino. Ayon sa statistics, 2.8 milyong Pinoy ang jobless. Iyan ay datos mula mismo sa National Statistics Office (NSO) at Labor Force survey (LFS). Sa kabuuan, may labor force ang bansa na 36 milyon per 8 porsyento ang walang trabaho at 23.5 ang underemployed. Ayon kay Sotto, iyan ang bagay na ibig niyang resolbahin. Nababahala siya na maraming turnout ng mga nagsi sipagtapos sa kole-hiyo ang walang mapasukang trabaho. "More work, less pork" iyan ang ibinabandilang sigaw ni Sotto.
Harinawang hindi lang iyan puro salita tulad ng karaniwang naririnig natin sa mga Pulitiko na matapos maluklok sa puwes-tong inaambisyon ay nalilimutan ang mga pangako.
Kasi’y iyan naman ang inaasam ng ma- raming Pilipino. Ang mapuksa ang kahirapan lalo pa’t the unemployment problem is getting worse every year. But what is more alarming to know is that a college graduates are not assured to get decent jobs. Tingnan natin kung ano ang magagawa ni Sotto sa problemang ito.