Hindi rin naman kulang sa kwalipikasyon si Manhilot. Siya’y tapos ng Industrial Engineering sa Lyceum. Premyadong artista, direktor at prodyuser sa pelikula na nag-umpisa bilang stuntman. Ngayon ay pati sining ng musika pinasukan. Ginawaran ng parangal bilang UNESCO Commissioner for culture and the arts bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa lipunan.
Si Manhilot ay image model ng maraming produkto. Naiulat na kulang-kulang P35 million ang mawawala sa kanya sa endorsement at talent fees dahil sa pagpasok sa pulitika. Maari pa ngang managot siya sa mga may-ari ng produkto dahil kontra sa kontrata’y bawal nang ilabas ang kanilang mga advertisement. Saan kaya kukuha ng pangkampanya si Manhilot kung sa umpisa pa lang, imbes na plus ay minus na ang talaan?
Hindi raw siya nag-iindorso ng sigarilyo o alak. Ayon sa kanya, hindi raw siya magiging masamang halimbawa sa kabataan. Question: Noong proclamation ng ticket niya, hindi siya nagtanggal ng baseball cap nang tinugtog ang pambansang awit. Magandang halimbawa? Noong Agosto 2006, sa isang celebrity boxing event kung saan kasali ang kapatid niya, sinugod niya ang ring sa gitna ng laban nang hindi nagustuhan ang naging takbo ng laban. Pwede ba ang ganun sa Senado?
Si Manhilot ang Boholano ng Team Unity na ipina nganak at lumaki sa Sta. Ana, Maynila. Mga isyung Arts, Culture at Tourism o "ACT" ang kanyang puntirya. Sa ngayon ay hindi pa mali-naw kung paano ito isasabatas.
CESAR MANHILOT
Kwalipikasyon: 80
Plataporma: 75
Rekord: 75
Total: 76.7