‘Yung una, galing kay Vince Dizon, ay papuri sa public servant:
"Pribadong empleyado ako, at malapit nang magpalit ng trabaho kaya kailangan ng NBI clearance. Kinondisyon ko na ang isip ko na asahan ang mahabang pila at ma-hassle na transaksiyon na normal sa gobyerno, at plinano kong kumontak na lang ng fixers sa loob.
"Nagbago ang pananaw kong ito sa NBI Clearance Processing Center sa Carriedo, Manila, kung saan pinupog ako ni G. Norman Paredes ng serbisyo publiko  sobra sa hinihingi ko, pero hindi siya nanghingi ng kahit anong kapalit.
"Magsilbing modelo sana sa mga kawani ng gobyerno ang idinulot na serbisyo ni G. Paredes. Dapat lang kaming mga pribadong empleyado na nagbabayad ng buwis na asikasuhing lubos at magalang nang walang dagdag bayad. Lahat ito, ginawa niya: Tinulungan niya ako sa mga tanong ko, itinuro ang dapat kong gawin, at pinadali ang clearance processing.
"‘Yung ibang NBI employees, napansin kong hindi matulungin. May isa nga na, walang kurap, tinatakan na lang ang papeles ko at pinababalik ako makalipas ang tatlong araw miski nandoon na ako nang 7-8 a.m. Pero magiliw akong inalalayan ni G. Paredes  at pagkatapos ay tumuloy na sa iba pa niyang gawain.
"Sana dumami ang lahi niya."
‘Yung ikalawang liham, ni Noriel Javier, ay papuri sa cabbies:
"Naiwan kanina ng anak kong babae ang cell phone niya sa taxi. Umiiyak siya nang hiramin ang cell phone ko. Tinawagan niya ang sariling phone  at sumagot ang cab driver, si G. Jose Lopez, na sarili ang taxi na may plakang TXC-206. May mga ilang katanungan siya para masigurado na ‘yung anak ko nga ang naging pasahero niya. Tapos, hinintay niya kami sa isang taxi stand, at mabilis na iniabot ang cell phone nang mamukhaan ang anak ko.
"Ipinakikita nito na hindi lahat ng taxi driver ay mandurugas, taliwas sa mga kuwento. Paki banggit po sana ito sa kolum n’yo."