Usa sa atong magbabasa ang mipadala kanako og email mahitungod sa iyang reklamo sa operasyon sa mga fixer diha sa opisina sa LTO. Matud pa ni Al Acero sa iyang sulat kanako nga Tinagalog nga "laganap" ug "harap-harapan" na kaayo ang operasyon niining mga fixer.
Hinuon kaniadto pang Pebrero 6 gipadala ni Mr. Acero ang iyang sulat kanako, apan ako gihapon kining imantala aron usab mahibaw-an dili lamang sa publiko kondili hasta usab sa kagamhanan kon unsa diay ka gamhanan ang mga fixer diha sa buhatan sa LTO.
Apan alang sa patas nga paghan-ay sa maong reklamo, akong gikuha ang ngalan sa mga fixer nga gibutyag ni Mr. Acero tungod kay wala akoy kontak pagkab-ot niining mga tawhana aron pagkuha usab sa ilang habig batok sa iyang alegasyon.
Ug mangayo usab ako'g dispensa kang Mr. Acero tungod kay karon lamang nako nahatagan og higayon ang iyang reklamo. Ania ang iyang sulat:
06 February, 2007
Sir:
Isa po akong concern citizen. Nais ko lang pong ipaabot sa inyo na talamak na talaga ang operation ng mga fixers dito sa LTO-Mandaue City, Cebu. Garapalan na talaga, Sir. Minsan hindi na nila idinadaan sa proper drug testing ang mga aplikante basta't magbabayad lang ang mga applicant sa halagang sisingilin nila. Ang masaklap pa, may kakutsabang drug testing center ang mga fixers. Kapag ang isang applicant at hindi galing sa drug testing center na kakutsaba nila, matagal bago magkaroon ng license ang applicant. Pero kung galing sa drug testing center na kakutsaba ng mga fixers ang aplikante, madali lang itong magkaroon ng lisensiya. Yun nga lang, mataas ang singil. Paano kasi, P120 per head ang bigay ng drug testing center sa bawat na-recruit ng mga fixers.
Mataas talaga ang singil nila sa mga aplikante pero napipilitan ang mga ito na kagatin ang kanilang alok dahil tila lilituhin at guguluhin nila ang isip ng mga aplikante. Marami silang paraan upang maakit ang mga aplikante na patulan ang kanilang modus operandi. Hindi nila ituturo ang aplikante sa drug testing center na mababa ang singil dahil hindi sila konektado dito at hindi kumukunsinte sa kanilang modus operandi ang mga drug testing centers na nag-aalok ng mababang singil. Lantaran ang operations ng mga fixers at identified na talaga sila dito. Kahit ang security guard sa LTO at nagpapatay-malisya na lang kahit kilalang-kilala na niya ang mga fixer na naglalabas-pasok sa tanggapan ng LTO-Mandaue.
Mapag-alaman ko na ipinadala ni LTO Assistant Secretary Reynaldo Berroya si Mr. Prexie Dumbrique upang mag-imbestiga ukol sa meddling in the processing of the driver's license at the LTO Mandaue District Office pero mali ang taong iniimbestigahan niya. Ang dapat niyang imbestigahin ay itong si Ely Bohol kung ang nais niya ay maresulbahan ang talamak na operation ng mga fixers sa LTO Mandaue.
Isa po sana ako sa mag-a-apply d'yan for license pero labis ang aking pagkakadismaya sa operations ng mga fixers. Kawawa talaga ang mga aplikante dahil sa garapalan na ang operation ng mga fixers sa Mandaue-LTO. Parang pinarurusahan nila ang mga aplikante sa malaking halaga na sisingilin nila sa bawat transaksiyon. Daig pa ang isang executive sa kikitain ng mga fixers na ito. Sana matulungan ninyo at maaksiyunan ang problemang ito dito sa LTO-Mandaue.
Al Acero,
Looc, Mandaue City