Libong dolyar ang matitipid kung sa Pilipinas na lamang kukuha ng NCLEX test. Mabuti kung makapasa kaagad ng one-take ang isang kumukuha ng test, papaano kung bumagsak, di mangungutang na naman si tatay at si nanay upang itustos na muli sa pagbabalik sa US o saan mang testing sites para kumuha na naman ng NCLEX. Malaking gaan sa bulsa at katawan kapag sa Pilipinas na gaganapin ang NCLEX exam na ayon sa balita ay sisimulan na sa loob ng tatlong buwan.
Subalit, ang tungkol sa NCLEX ay isa lamang sa mga problema ng mga nangangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa lalo na sa US. Kailangang baguhin kaagad ng ating mga nursing schools ang sistema lalung-lalo na ang curriculum ng nursing course. Kung sa US magtatrabaho ang isang nurse, dapat pag-aralan ang theory at mga clinical practices sa US pati na ang pharmacology o mga ibaít ibang klase ng gamot na ginagamit sa mga sari-saring sakit sa Amerika. Maraming sakit sa US na hindi karaniwan sa Pilipinas at vice-versa.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit halos mahigit sa kalahati ng mga kumukuha ng NCLEX ay bumabagsak dahil ibang-iba ang ginagawa ng mga nurses sa US kaysa sa pinag-aralan ng mga nurses sa Pilipinas. Tandaan na ang mga tinatanong sa NCLEX ay batay sa tunay na ginagawa ng mga US nurses. Isa pang importanteng bagay, kaickólangang harapin ng mga nursing educators kung papaano maitataas ang English-proficiency o ang uri ng communication techniques ng kanilang nursing students.
Nais kong batiin ang grupo ni Dr. Dante Ang, chairman ng Commission ng Filipinos Overseas sa tagumpay na nakamtan ónila sa pagtatatag ng NCLEX sa Pilipinas. Sa ginawa nilang ito, hindi lamang mga nurses at kani-kanilang pamilya ang mga makiki_nabang kundi ang buong bansa at mamamayang Pilipino. Makatutulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya. Mabuhay!