Vaginitis

ITO ay impeksiyon sa ari ng babae partikular sa bahaging tinatawag na vulva. Karaniwang ang may vagi-nitis ay nagkakaroon ng vaginal discharge. Malapot, manilaw-nilaw o maberde-berde o kaya naman ay puti ang discharge. Mabaho ang discharge. Makararanas din ng pangangati ang may vaginitis lalo sa bahaging vulva. Makadarama ng sakit at discomfort ang may vaginitis.

Ipinapayo ko sa mga may sintomas ng vaginitis na huwag magpadili-dili sa pagkunsulta sa doktor. Habang mas maaga ay agad na pumunta sa doktor para magamot ang sakit na ito.

Ginagamot ang vaginitis sa pamamagitan ng physical examination. Kukuha ng swab at iko-cultured ang infective organism.

Ang gamot sa pamamaga o pagka-impeksiyon ay sa pamamagitan ng soothing creams o kaya’y anti-inflammatory preparations gaya ng hydrocortisson. Ang bacterial infections ay ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics gaya ng doxycyline erethromycine at metronidazole. Ang mga antibiotics na ito ay ginagamit din sa parasite Trichomonas. Kung ang dahilan ay Candida, ang paggamot dito ay sa pamamagitan ng niconazole o clotrimazole.

Ang dahilan ng vaginitis ay bacterial at fungal infections at maaaring dahilan din ang pagkakaroon ng cancer of the vagina.

Ang vaginitis ay maaaring mailipat kapag kung may mahinang pangangatawan, diabetes mellitus, nagtitake ng oral contraceptives at ang mga naka-expose sa human papilloma virus.

Show comments