Nauna nang isinabatas ng Kongreso noong 2001 ang RA 9048, ang batas na nag-simplify sa proseso ng pagpapalit ng pangalan subalit ang mas binibigyang pansin nito ay ang problemang may kinalaman sa first name at nickname na pinakapalasak at mga "clerical or typographical error" sa mga personal at opisyal na record ng mga indibidwal na nakalagak sa civil registrar.
Sa totoo lang, magastos at nakaaabala ang proseso ng pagwawasto sa mga pagkakamali sa mga official record kaya nga isinabatas ang RA 9048.
Sa kaso naman ni Mr. Uy at ang aking nakikita ay pag-amyenda rito upang matugunan naman ang puntong kanyang sinasabi, isang prosesong medyo may katagalan din.
Magkaganito man Mr. Uy, ay nagbigay na ako ng instruction sa aking legal staff upang silipin ang bagay na ito. Pakihintay na lamang ang resulta.