Maraming beses na raw silang bumalik sa Cell Care Center na matatagpuan sa isang mall sa North EDSA,Quezon City pero laging pinagwawalambahala ng naturang store ang kanyang reklamo.
Dahil laging pinababalik-balik na wala namang nangyayari, agad siyang lumapit sa BITAG para matugunan ang kanyang reklamo. Bago ilapit ng BITAG ang reklamo sa National Telecommunications Commission (NTC) ay humanap muna ang BITAG ng isang eksperto sa cell phone.
Dito na napag-alaman ng BITAG na wala nang pag-asa ang cell phone na nabili ni Edit. Dito na nakipag-ugnayan ang BITAG sa NTC para puntahan ang tindahan ng cell phone kasama ang ilang kinatawan ng naturang ahensya.
Pagdating ng BITAG sa Cell Care Center ay walang nagawa ang may-ari ng tindahan kung hindi humarap sa BITAG. Noong una ay panay pa ang katwiran sa BITAG akala siguro ng kolokoy ay makalusot siya sa BITAG. Ang hindi niya alam, habang patuloy siya sa paghanap ng lusot ay mas lalo siyang mahuhulog sa patibong ng BITAG.
Kaya sa ayaw at sa gusto, ibinalik niya ang halagang ibinayad ni Edit. Hindi estilo ng BITAG na lumusob nang walang dahilan at tamang batayan. Layunin lamang ng BITAG na ipakita sa publiko ang tama at karapatan ng mamimili.