Pangarap na bahay para sa pamilya

NARITO ang sulat na natanggap ko mula sa isang kababayang OFW:

"Isa po ako sa mga OFW na laging nagbabasa ng inyong column dito sa Pilipino Star NGAYON.

Gaya ng mga lumalapit sa inyo gusto ko rin po sanang humingi ng tulong tungkol sa murang pabahay mula sa ating gobyerno.  Marami na po akong napagtanungan kaso hindi ko kaya ‘yung mga presyo na binibigay nila, ‘yung iba nga po, cash pa. 

Kung maari po sana ‘yung mababayaran ko ng buwanan kasi po buwanan po ang sahod namin. Nakatira po kasi ang pamilya ko sa squatters area sa likod ng NSO Sta. Mesa na napakadelikado po pag nagkasunog. 

Umaasa po ako na matutulungan n’yo rin ako na ma-kahanap ng bahay at lupa para sa akin at sa pamilya ko.

Maraming salamat at nawa’y marami pa po kayong matulungang mga kababayan natin lalung-lalo na ang mga OFW na katulad ko na nagsisikap para magkaroon ng sariling bahay at lupa."

Gumagalang,

Alex Rosario,


Doha, Qatar


Inutusan ko na ang aking staff na tingnan at bigyang solusyon ang inilapit mong problema.Pakihintay na lamang ang sagot. Maraming salamat.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: doktora_ng_masa@yahoo.com.ph o sumulat sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

Show comments