Sa bawat militar na nagtagumpay, higit na marami ang nabigo sa kanilang hangaring sumawsaw sa pulitika. Yun namang mga walang pag-asang manalo at wala rin namang lakas ng loob makipagsapalaran, kuntento nang magpa-appoint sa matataas at sensitibong posisyon matapos magretiro. Sa kasalukuyang pamahalaan, ang Executive Secretary at mga Secretary ng Transportasyon, Public Works, at Natural Resources ay pulos mga dating heneral. Hindi mabilang ang mga militar na may hawak na mataas na katungkulan sa mga sangay ng gobyerno ngayon.
Walang masama sa ganitong "military invasion" sa mundo ng sibilyan kung puwestong halal ang pag-uusapan. Kahit sino namay may karapatan sa ilalim ng Konstitusyon. Bayan naman mismo ang magpapasya kung silay karapat-dapat. At kapag bayan ang humusga, tapos na ang kuwento. Sino ba ang tunay na Boss sa gobyerno?
Sa mga appointive position, iba ang matematiks. Ang hukbong sandatahan ay isang propesyonal at walang kinikilingan na puwersa. Ang kanilang sinumpaang tungkulin ay ang paglingkuran ang mga institusyon ng pamahalaan at hindi ang mga personalidad na nagta-tao rito. Iisang pangalan ang dapat nilang kilalanin na amo. Hindi ito Gloria, hindi Hermogenes, hindi Angelo. Itoy si Juan. Juan de la Cruz.
Ang pagbigay ng puwesto pagkaretiro at ang pagtanggap nila nito ay gawaing sisira sa pinagkakaingatang propesyonalismo ng Hukbong Sandatahan. Hindi mapipigilang paghinalaan na itoy pambayad-utang. Kaninong interes ba ang isinulong nila sa EDSA? Na kanino ang kanilang loyalty at katapatan? Sa bayan ba o sa ipinuwesto nila? Ang pamumulitika ng militar ay walang idudulot kung hindi kawalan ng morale at dedikasyon ng officer corps. At nagtataka ka pa kung bakit puro junior officers ang suspek pag may kudeta?
Pamumulitika ng Militar Grade: 35