Repasuhin ang VFA

DETROIT, Michigan – Dapat repasuhin ang Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Amerika. Kailangang tiyaking walang probis- yon ito na kontra sa Konstitusyon. Isinasaad sa VFA na walang miyembro ng US Forces ang puwedeng ipiit sa Pinas nung wala pang final and executory judgment ang Korte. Dapat magtakda ng exceptions tulad ng kasong rape o murder.

Dahil sa paglalagay sa custody ng US embassy kay Marine Cpl. Smith na hinatulan sa kasong rape, tila nahaharap sa matinding constitutional crisis ang administrasyon.

Pati si Pres. Arroyo ay binabantaang kasuhan muli ng impeachment dahil dito. Pero ang VFA ay naririyan na bago pa maging Pangulo si GMA. Hindi siya dapat sisihin.

Magsilbi sanang aral ito sa gobyerno sa pagpasok sa mga treaty sa alinmang bansa. Ang Konstitusyon ay ‘biblia’ na dapat laging manaig at mangibabaw. Kung hindi, buwagin na lang ang Konstitusyon.

Email me at alpedroche@philstar.net.ph

Show comments