Noong Marso 25, 1993, naparatangan si Tina ng ALU sa pagtataksil nito, dalawang taon na ang nakararaan, nang personal na mangalap ito ng miyembro ng ALU upang lumahok sa mga seminars ng kalabang unyon. Ito ay sinuportahan ng sinumpaang salaysay ni Ana, kapwa manggagawa at miyembro rin ng ALU. Ayon kay Ana, dahil sa pangako at paanyaya ni Tina, lumahok siya sa seminar, nangalap ng iba pang miyembro at tumanggap ng P500. Samantala, itinanggi ito ni Tina at iginiit na ang sinumpaang salaysay ni Ana ay sanhi ng galit at paghihiganti nito sa kanilang mag-asawa. Sa katunayan, ang salaysay daw ni Ana ay isinagawa anim na araw matapos sampahan nila ito ng kanyang asawa ng reklamo sa utang ni Ana sa kanila.
Gayunpaman, inirekomenda ng Disloyalty Board ng ALU ang pagtiwalag kay Tina sa ALU dahil ang mga naging aksyon nito ay pagtataksil sa kapakanan ng nasabing unyon. Inirekomenda rin ng Board sa DMPI na idismis na nito sa serbisyo si Tina ayon na rin sa isinasaad ng Union Security Clause ng CBA
MALI. Kahit na ang dahilan ng pagdismis sa serbisyo ni Tina ay hindi naayon sa Labor Code kundi sa probisyon ng CBA, kinakailangan pa ring mapakinggan si Tina bago siya patawan ng parusa. Ang salaysay ni Ana ay hindi dapat bigyan ng halaga para patunayang si Tina ay nagtaksil sa ALU dahil bugso ito ng galit at paghihiganti ni Tina. Sa katunayan, hindi ito napasinungalingan ni Ana o kaya ay naglahad ng mabigat na argumento ang DMPI na ang testimonya ni Ana ay walang kinikilingan. Kaya, ang naging argumento ni Tina ang higit na pinaniwalaan.
Samantala, ang Disloyalty Board na nag-imbestiga at nagrekomenda ng parusang pagtanggal at pagdismis kay Tina ay siya ring itinaguyod ng ALU kung kayat ang integridad nito ay kaduda-duda. Nararapat pa rin na ang kadahilanan ng pagdismis ni Tina sa serbisyo ay batay sa sapat na ebidensya bago pa man ito ipatupad (Del Monte et al. vs. Timbal, et al. G.R. 158620, October 11, 2006).