Una siyang naka-engkwentro ng REPORT CARD sa sagupaang KBL at LABAN noong 1978. Kabilang siya sa pangkat ng 21 na lumaban kay President Marcos at Gng. Imelda sa Metro Manila. Nooy hindi pa siya kasing sikat ng mga nakasabayang pulitiko subalit sa mga nahawakang puwesto at natamong karangalan ay nahigitan na niya ang rekord ng mga malalaking pangalan ng kanyang henerasyon. Siyay naging Vice President, Senador, Executive Secretary, Secretary of Justice, Commision on Audit Chairman at Ambassador sa China.
Ang bentahe ni Guingona ay ang kanyang prinsipyo. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na manindigan laban sa abuso. Lumaban kay Marcos (at nakulong), lumaban kay Estrada at ngayon lumalaban kay Arroyo. Kumontra sa US Bases, sa Visiting Forces Agreement at pati sa mga sundalong nang-api kay Nicole. Always present saan man may kilusan laban sa pang-aapi at kontra sa abuso, maging dasalan man o malaki (kahit maliit) na kilos protesta. Impeachment, Fort Bonifacio Marine HQ, Binay Suspension at marami pang iba. At hindi matatawaran ang katapangan ng lolo ilang diploma na ang meron si Guingona sa pamantasan ng lansangan? Masters in cannon law, as in water cannon sa Mendiola.
Kung ang mga nagsulong ng midnight express sa Kamara ang maituturing na mukha ng lahat ng kasuklam-suklam sa pulitika, masasabing si Guingona ang salamin ng kung ano ang maganda sa pulitika. Sa mga naghahanap ng bagong pag-asa sa bagong mukhat pangalan, lumingon lang sa katabi at makikita niyo ang tunay ng anyo ng ating kinabukasan. Sa kanyang walang patid na pakikipaglaban, siya na rin ang de facto na lider ng oposisyon. Old model man, mahaba ang serbisyo at maganda pa rin ang takbo. Boses ng Katwiran, Larawan ng Katapangan at Simbolo ng Katapatan. May tiwala ako kay Teofisto Guingona.
TEOFISTO GUINGONA GRADE: 94