Loren, patok sa trust rating survey

OUTSTANDING favorite si Loren Legarda sa Pulse Asia Survey ng mga people figure dahil up to now ay pinagkakatiwalaan ng madlang people. Sabi nga, polling away!

Sa overall survey, tinalo ni Loren ang mga sports icon na sina Manny "Pacman" Pacquiao at Efren "Bata" Reyes kasi second lamang sila sa datingan. Ika nga, pandiin si Loren!

Si Loren kasi ay nakakuha ng 67 percent sa trust rating survey na ginawa mula October 21 up to November 8, 2006. Sina Manny at Bata ay nakakuha lamang ng 66 at 65 percent ayon sa pagkakasunod. Left behind ng milya-milya ang mga incumbent public figure. Sabi nga, nasa likod ni Loren. Habol, habol, habol mga katoto. He-he-he!

Nakapuwesto sa pang-apat up to 10 sina Senator Mar Roxas, 64 percent, Senator Ralph Recto, 60 percent, dating Senator Tito Sotto, 57 percent, Senate President Manny Villar, 52 percent, Senator Rodolfo Biazon, 48 percent, Representative Francis Escudero, 47 percent at Makati Mayor Jejomar Binay, 42 percent.

Hindi lang sa Pulse Asia number one si Loren pati sa Social Weather Station kung sino ang ihahalal ng mga Noypi sa pagka-Senador kung magkakaroon ng election ngayon. Talagang patok si Loren!

Sinabi ni Loren sa mga kuwago ng ORA MISMO nang hingin ang kanyang reaction dahil sa pangunguna sa mga karera, este mali, survey pala na lalo pa siyang naging determinado na mag-serve sa madlang people sa anumang capacity, kahit alaws pa siyang plan kung siya ay bobotak sa pagka-senador sa 2007.

Ika nga, takbo na Loren! Para sa kaalaman ng madlang people to remember si Loren ang first sa 1998 Senatorial elections mayroon lang naman siyang 15 million votes ang kanyang na-get. Si Loren ang kauna-unahang bebot na Senate Majority Leader at may akda ng napakaraming landmark na butas, este mali, batas pala kabilang todits ang Republic Act 9262, na nagbibigay ng protection sa mga bebot at kabataan laban sa domestic violence. Very big ang ginampanang papel ni Loren ng Clean Air Act at ng Solid Waste Management law.

Abala si Loren sa kanyang election protest dahil dehins niya matanggap na naging malinis ang hulaan, este mali, halalan pala noong 2004 Presidential Election.

"Iba ang charisma ni Loren sa madlang people," sabi ng kuwagong api.

"Siyempre, nadaya siya noon?" anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano ang gagawin ngayon ni Loren?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Ang tumakbo."

"Sa elliptical circle?"

"Sa pagka-Senador!" sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Kamote ka talaga."

Show comments