Ayon kasi sa mga magulang na sumulat sa akin, labis na ang poot sa kanilang dibdib sa tuwing makikita ang kanilang mga anak na lulugu-lugo at nangangalumata sa halos araw-araw na mahabang oras na paglalaro sa computer.
Naniniwala sila na nasa modernong teknolohiya na ang ating panahon at malaki naman ang naitutulong sa mga kabataan ng computers subalit kung nasa murang edad pa ay tila hindi ito nararapat.
Natututo na rin umanong mangupit ang kanilang mga anak upang may maibayad sa computer shop at kadalasan ay umaabsent pa sa pag-aaral ang mga ito. Dahil dito, nasisira na rin ang kanilang pag-aaral dahil bumababa na ang kanilang mga grado. Labis din ang kanilang pag-aalala sa gabi dahil karamihan sa mga bata ay ginagabi na kung umuwi sa kanilang mga tahanan.
Ang tinutukoy nilang computer shop ay matatag- puan sa Block 18, Lot 38, Phase 2, Solar Homes Subdivision, Bgy. San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite na pag-aari umano ng isang nagngangalang Tess.
Sa puntong ito, nais kong tawagan ng pansin si Barangay Chairman Yeseng Encabo na agarang umaksyon sa reklamo ng mga residente. Abay huwag na ninyong hayaang magumon ang mga kabataan sa paglalaro sa computer.
Gumawa kayo ng ordinansa na nagbabawal sa mga menor de edad sa paglalaro sa computer. He-he-he! Alam ko na tanging mga barangay lamang ang may karapatang magbigay ng permiso sa pag-ooperate ng mga computer shop. Kayat kayo rin ang may karapatan na pagbawalan sila. Gets mo Chairman Encabo?
At para naman sa kaalaman mo Solar Homeowners Association President Dorry Montilla, may karapatan din kayong gumawa ng hakbang upang masawata ang mga ganid na computer shop owners na sumisira sa magan- dang kinabukasan ng mga kabataan.
Ayon pa kasi sa liham ng mga residente, nag-aantay umano sina Chairman Encabo at President Montilla na umabot sa 10 ang bilang ng mga magulang ang magrereklamo bago nila aksiyunan. He-he-he! Kawawa naman pala ang mga magulang sa inyong mga katwiran. Wala pala silang maaasahan sa inyong pamumuno. Abangan.
At walang ginagawang aksiyon si Sr. Insp. Tuliao, ang hepe ng Don Bosco Police Community Pres-cinct. He-he-he! Habang pakuya-kuyakoy si Tuliao ay nagpipiyesta naman ang mga kawatan sa kanyang bakuran.
Dismayado na rin ang mga biktima sa panunungkulan ni Supt. Ricardo Layug, ang Commander ng Police Station 2 Tondo dahil pawang mga reklamo na lamang ang kanilang ginagawa subalit hang-gang sa kasalukuyan ay wala pa silang nakikitang ibinandera sa publiko na nahuli nilang mga kriminal. He-he-he! Mukhang abala si Sir sa ibang aktibidades diyan sa kanyang lugar. Aalamin ko iyan mga suki sa susunod at ipararating ko sa inyo.! Abangan!