kaya nag-iisip ng kung anu-ano;
Katulad na lamang ng ating gobyerno
nais na baguhit gawing Parliamento!
Ang sistemang itoy kaibang-kaiba
sa nakagisnan nating palakad sa bansa;
Presidential system datiy tamang-tama
bakit kaya ngayoy babaguhn pa nga?
Babaguhin ito - sabi nang marami
pagkat di umunlad ang bansa sa rati;
Mga mamamayan ay namumulubi
dahil sa palakad di sila kumporme!
Pero sa opinyon ng pitak na ito
ano mang sistemay di uubra rito;
Ang dapat palitan ay ang mga tao
na ang laging hangad laging nasa pwesto!
Ang asawat anak pati ang magulang
sa gawang mamuno ay nakikialam;
Ang ugaling ito kung mapapalitan
uunlad ang bansa at ang mamamayan!
Sa madaling-sabi ang dapat mawala
political dynasty ng mayamat dukha;
Kung may kandidato sa isang pamilya
sya na lang ang dapat at wala ng iba!
Asawa at anak ng masamang lider
sa bawat eleksiyon huwag nang piliin;
Ang ugaling ito kung siyang gagawin
titino ang bansat ang gobyerno natin!
Sa nakikita ko ang PI at Con-Ass
sa gobyerno natin magsisilbing ahas;
Ang mga senador nating mambabatas
tiyak na aalma pag silay nalagas!
Sa sistemang itoy lalo pang sasama
takbo ng gobyerno na nasasalanta;
Ang check and balances tiyak mawawala
at ang maghahariy mga taong linta!