Magpapasko pa naman at ang kaunting halagang kulang-kulang lang sa isang milyong piso ay magdudulot ng ligaya sa mga kawaning ito. Afterall, hindi naman limos ang hinihingi ng mga empleyado kundi yung ganang sa kanila. Sa kabila ng inilathala nating reklamo ng mga naturang kawani, wala pa ring nang-yari. Mahirap unawain kung bakit ang isang nakaririwasa sa buhay ay ipagkakait ang karapatan ng mga maliliit na manggagawa.
Dahil ditoy gusto kung bigyang daan muli ang ikalawang liham ng mga nagmamakaawang kawani. Nagmamakaawa na ipagkaloob sa kanila ang sarili nilang karapatan. Kung mabasa ito ni Mr. Aguirre o nang sino mang kinatawan niya, in the interest of fair play ay puwedeng sumulat sa atin para bigyan natin ng puwang sa kolum na ito. Pakiusap ko lang, huwag namang dedmahin ang isang lehitimong reklamo. Kung may katu-wiran, ihayag sana at huwag magtengang-kawali.
Dear Mr. Pedroche.
Tulungan nyo po kaming mailathala muli ang aming kaso, na alam nyo rin na suportado ng kaukulang dokumento. Mistulang bingi at bulag ang B.F. Homes, kahit alam nilang panalo kami sa kaso wala silang aksyon na ginawa. Department of Labor ang nag-uutos sa kanila pero parang binabalewala nila, bagamat nakarating sa B.F. Homes ang desisyon ng labor. At alam nilang hindi na sila pwedeng mag-file ng motion for reconsideration, dahil may desisyon ang labor sa aming kaso. Kaya malakas ang loob namin ay dahil sa dokumentong hawak namin, ultimo SSS, Pag-ibig, Philhealth hindi naming ginamit dahil hindi bayad. Narito ang katotohanan sa mga nagaganap sa Italia Country Club, na pag-aari ni Mr. Aguirre.
Sinabihan kami na babayaran ng Month of June hanggang naging September pero walang natupad (Puro press release) Napabayaan lahat ng pasilidad. Maruming paligid labas at loob. Wala ng pumapasok na customer (kung meron man swerte lang)
Pati regular member ng club ay halos inactive na (dahil walang makita na pagbabago sa club) Halos lahat ng residente dito sa village alam ang kalagayan ng Italia at awang-awa sila sa amin. Ang iba naming kapwa empleyado nagreklamo na rin.
"God Bless you, Sir Al."
ITALIA COUNTRY CLUB EMPLOYEES: Dionisio Cruz, Noel Villa, Jose Beron, Ernesto Balc, Jose Panganiban, Ruby Valente, Ramon Gonzales and Luz Gane