Immigration Officers ng Clark Airport Pampanga, basahin n’yo ito"

ISANG reklamo ang natanggap ng BITAG mula sa kababayan natin na naglalakbay patungo sa Macau.

Hinggil ito sa umano’y panggigipit at pangongotong ng mga Immigration Officers sa Diosdado Macapagal International Airport, Pampanga.

Sa pamunuan ng nasabing tanggapan, basahin n’yo ito. Bukas ang BITAG sa anumang sagot n’yo sa reklamong ito.

Dear Mr. Tulfo,


Matagal ko na pong gustong mag-complain laban sa mga Immigration Officers diyan sa Diosdado Macapagal International Airport, Clark, Pampanga.

Ang mga Immigration officers sa nasabing paliparan ay napakacorrupt po at naghaharass ng mga travelers especially yung mga tourist na papuntang Macau. Kung ano-ano po ang tinatanong nilang mga documents na hinde naman po talaga kailangan. At kung wala pong naipakitang document na kanilang tinatanong, dun po sila nanggigipit ng mga pasahero hanggang sa hingian nila ng pera ang mga biktima ranging from 3000 to 5000 pesos each.

Tinatanong po nila ang Affidavit of Support or Invitation Letter na manggagaling sa relative or kakilala ng mga tourist na based sa Macau, yun pa daw na galing sa Philippine consulate na may red ribbon (meaning magbabayad ng HK$212 na kukunin pa sa Hong Kong kung hindi nataong may consular services sa Macau ang Phil Consulate sa Hong Kong.


May Memorandum Order No. ADD-03-013 dated 09 June 2003 si Commissioner Andrea D. Domingo na ‘di na kailangan ang mga Affidavit of Support or invitation letter sa mga magta-travel. Ang sinasabi ng mga Immigration officers ay wala na po daw yung memorandum na yun at kailangan na naman daw po ng mga ganung documents, pero wala naman po silang maipakitang Memo.

Tanong ko lang kung talagang kailangan, bakit di po nila inaaply sa lahat? Pati rin po show money ay tinatanong nila, sinasabing hinahanap sa Macau pero di naman po requirement ang show money sa Macau.

Ang style nila, hindi sa Immigration counter nila iaattend ang ‘prospective victim" kundi ipapasa nila sa may likod ng counter para dun tanung-tanungan ng kung ano-ano. Ang pobreng traveler ay ma- gigipit. saka nila tatanungan ng pera kapalit ng pagpayag sa kanyang makalabas ng bansa.

Paki-imbestiga po kung maaaari or pwede po kayong mag-assign ng kunyari ay lilipad patungong Macau. Sana po ay matigil na yang ganyang nangyayari diyan at sana maalis na sa pwesto ang mga officers na yan. Thank you and More Power.

Show comments