Sinabi ni Defensor na walang utang na loob ang ilan sa Supreme Court justices sapagkat hindi nila sinuportahan si GMA na nag-appoint sa kanila.
Maliwanag na hindi na kailangan pang magsalita si GMA sa naging desisyon ng SC. Sapat na ang mga pahayag ng kanyang mga opisyal. Inaasahan na marami pang opisyal ni GMA ang babatikos sa SC.
Naniniwala ako sa binanggit ni Defensor na ang talagang nagpabagsak ng peoples initiative ay ang justices na in-appoint ni GMA. Gumamit pa ng mga masasakit na salita si Justice Antonio Carpio. Si Carpio ay in-appoint ni GMA. Abogado rin ni GMA si Carpio.
Kung alin pa ang mahalaga kay GMA iyon pa ang ibinasura ng SC. Sa pag-aammend ng Konstitusyon kasi nakasalalay ang pagtatagal sa kapangyarihan ni Arroyo. Pero nabalewala nga dahil sa SC. Hindi na biro ito. Pero maganda kung totoong independent na ang SC. Hindi na madidiktahan. Ang puna ko lang ay masyadong biglaan yata. Naninibago ako.