Nakita ng isang pulis ang nangyari at agad na inaresto sina Lando at Marco nang makunan din ang mga ito ng balisong. Namatay agad si Poldo dulot ng ilang saksak sa katawan. Nakasuhan sina Lando at Marco ng pagpatay kay Poldo na pinabigat ng sirkumstansyang nocturnity o kagabihan. Tama bang ang sirkumstansyang nocturnity ay isaalang-alang kahit na hindi ito napatunayang sinadya upang maisakatuparan ang krimen?
TAMA. Ayon sa Korte Suprema may dalawang uri ng test upang matiyak kung ang kagabihan ay magpapabigat na sirkumstansya sa isang krimeng nagawa: Una ay ang objective test kung saan ang sirkumstansyang ito ay nagpapabigat dahil napadali nito ang pagsasagawa ng krimen at ang subjective test na nagpapabigat sa krimen dahil ito ay sinadya ng akusado upang maisakatuparan ang krimen. Ang dalawang test ay alternatibong magagamit.
Samakatuwid, kahit na hindi sinadya nina Lando at Marco ang sirkumstansya ng kagabihan, mahahatulan pa rin sila ng robbery with homicide dahil napadali ang pagsasakatuparan ng krimen sa pamamagitan ng nasabing sirkumstansya (People vs. Palon, 127 SCRA 529).