Naireport na ang itlog na pula ay patok na patok sa Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at iba pang bansa sa Middle East.
Sa ginanap na Itik Festival kamakailan sa Candaba, Pampanga nagpiyesta sila sa itlog na pula. Sarap na sarap silang kainin ang itlog na pula na inihahalo sa kamatis. May mga nagluluto ng bibingka na nilahukan ng itlog na pula. Maging ang moon cake ng mga Chinese ay sinasahugan din ng pulang itlog. Napag-alaman na ilang nag-iitik sa Santa Barbara, Pangasinan ang nagpayo na para hindi kaagad masira ang itlog na pula dapat na itoy hugasang mabuti at lagyan ng ilang kilong asin habang nakababad sa tubig. Naiulat kasi na apat na linggo lang ang itinatagal ng pulang itlog bago masira. Pinatunayan ito ni Bugoy Palomares.