Bilang tulong sa adhikain ni Abarzosa na masara ang pasugalan sa Maynila, isa-isahin ko ang mga puwesto ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza na karamihan ay nasa Pandacan, Sta. Ana, at San Andres Bukid. Ang may sakop sa mga bookies ng karera ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza ay ang Station 6, Station 10 at Station 5 ng MPD. Ang mga malalaking kabo ni Sacueza ay sina Kambal, Digna, Ed, Rey, Katkat, Tiago, Bayag, Charisma, Ruby, Jojo, Janelle, Toto, Evelyn, Juvy, Ayu, Bong, Yolly, John, Baboy, Kagawad at Yolly. Ito pa lang ang nakuha ng aking asset at madadagdagan pa ito sa darating na mga araw mga suki. Giyahan ko si Col. Abarzosa para hindi na maantala pa ang pagiging permanente niya sa MPD nga. Si Mayor Atienza? Malapit na ang elections kayat walang maasahan dahil abala siya sa pag-iisip kung paano tatalunin ng manok niya ang galanteng si Mark Jimenez.
Narito ang mga puwesto ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza na naka-assign sa logistic mo Col. Abarzosa Sir. Unahin ko ang mga puwesto ng kabo ni Sacueza na si Kambal na matatagpuan sa 2565 Topacio St., 2374 Estrada, 2235 Fabie St., 2549 C. Topacio St., 2502 sa kanto ng Alabastro at Estrada St., 2493 Crisalita St., 2546 kanto ng Zapiro at Estrada Sts., 2426 Rubie St., at 1712 Onyx Extrada St., lahat sa San Andres Bukid. Ang nasa Sta. Ana naman na mga puwesto ni Kambal ay nasa 2441 M.H. Del Pilar St., 2445 Tenorio Estrada St., 1858 Oro B St., 1947 N. Estrada St., 2485 Radium St., 2270 Rd. 4 Fabie Estate, 2508 Eloriaga St. sa kanto ng Estrada St., 2417 Eloriaga St., at sa 5558 Liwayway St. May butas din si Kambal sa Pedro Gil sa 1832 Rd. 14.
O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga tip na ibinigay ko kay Col. Abarzosa. Wag sana niyang idahilan na abala ang MPD sa preparation nila sa All Saints Day sa Nov. 1 kayat hindi niya masawata ang bookies ng ka-rera ni SPO3 Bartolome Sacueza. Kapag nagkataon kasi, magdududa ang sambayanan na kinukunsinti si SPO3 Bartolome Sacueza. Hala bira na Col. Abarzosa Sir! Wag mong ipahiya si Atienza.