Maaaring ang mga mayayaman sa Binondo ay bilib sa ngayon kay Atienza subalit ang mahihirap ay masabi kong ke Jimenez na, he-he-he! Libreng plug to ha mga suki.
Si Atienza ay naging guest sa misa sa simbahan sa San Lorenzo Ruiz na dating Binondo church nga. Ayon sa mga kausap ko, naging entablado ng pulitika ang simbahan dahil nagsalita rin ang son-in-law ni Atienza na si Rep. Miles Roces nga. Matamlay ang palakpakan sa mga katagang binitiwan ni Roces dahil marami sa mga nagsimba ay mga alipores din ni Naida Angping, he-he-he! Intriga yan ha? At nang magsalita nga si Atienza, binanggit pa niya na kasama niya si Ali, na dinedma naman ng mga naroroon. Pero habang nagsasalita pa si Atienza, marami na sa mga nagsimba ang dahan-dahan na umalis at hindi magandang pangitain yan para sa kampo niya kung election ang pag-uusapan. Ika nga kung gaganapin ang election sa ngayon, tiyak iiwan ni Jimenez nang milya-milya ang manok ni Atienza. Kung sabagay, hindi lang ang manok ni Atienza at si Jimenez ang maglalaban sa Maynila sa darating na elections dahil may mga balak ding tumakbo sina Sens. Alfredo Lim at Ping Lacson, Rep. Rodolfo Bacani, dating First Lady Imelda Marcos. at Vice Mayor Danny Lacuna. Kaya lang nakasentro ako sa ngayon kina Jimenez at manok ni Atienza dahil ang mga kampo nila ang may makinarya.
Sa City Hall naman, may masamang senyales na rin na nangyayari na bumabagabag sa isipan ng buti-hing mayor ng Maynila. May ilan kasi sa mga kakampi ni Atienza na konsehal na nag-resign, hindi lang sa majority, kundi maging sa partido niyang Liberal Party. At saan sa ngayon ang mga nag-resign na kaalyado ni Atienza? he-he-he! Lumipat sila sa kampo ni Jimenez mga suki. May crack na ang liderato ni Atienza sa LP? He-he-he! May kasabihan kasi tayo mga suki na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, yan din ang nangyayari sa yo. Di ba si Atienza ang namuno sa mga tumiwalag sa kampo ni dating LP President at Senate President Sen. Franklin Drilon? Abangan!