Bundat ang mga recruitment officers at nga kani-kanilang pamilya samantalang ang mga recruit at mga magulang nila ay nagdidildil sa asin. Ano ba yan?
Pero sa tingin ko naman, nasa tamang landas si Varilla ng iutos niyang itigil na ang mga loans ng police trainees. Tama rin na itigil ang automatic deduction ng mga lending institutions para mapahirapan silang maka-kolekta sa mga nag-loan sa kanila na mga recruits. Kasi nga, sitting pretty lang ang mga lending institutions kapag nakapirma na ng loan ang mga recruits dahil ikakaltas na lamang nila ang mga deduction sa suweldo ng mga bagong pulis sa Camp Crame. Pero sa naisip ni Varilla, mahihirapan o magdadalawang-isip muna ang mga lending institutions na magpa-loan dahil alam nilang hindi sila mapupuwer-sa ang mga pulis pagdating sa bayaran. Get nyo mga suki?
Sa 400 recruits ng NCRPO, karamihan sa kanila ay nakapag-loan na. Tahasang sinabi ni Varilla na bawal ito, subalit nagpipilit pa rin ang mga lending institutions na wala namang paki kung ano ang kahinanatnan ng kapulisan dahil pera-pera lang ang lakad nila. Eh kung ang bawat isa sa mga recruits ay nakapag-loan ng mula P50,000 hanggang sa P100,000 at payable in 5 years, aba malaking pera ang maiaakyat nito sa mga len-ding institutions.
Kaya lang ang talo sa sistemang ito ay ang PNP. Bunga sa marami na silang nagastos sa paglakad pa lamang ng kanilang papeles at idagdag na natin ang mga loans, eh ano pa ang makararating sa mga pamilya ng bagong pulis? Eh halos kakarampot at hindi na ito sapat para maitaguyod ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya nila, dii ba mga suki? Marami na akong naririnig sa bibig mismo ng mga bagong pulis ang ganitong sitwasyon sa loan kung saan wala namang magagawa ang PNP leadership. Kaya tama lang na ipahinto itong mga loan sa hanay ng recruits ng PNP. Ayon kasi kay Varilla, kapag nakakapit na sa patalim itong kapulisan natin, karamihan sa kanila ay gumagawa ng paraan para kumita, at maisalba sa gutom ang kanilang pamilya. At kadalasan, ginagamit nila ang kanilang baril at tsapa na siyang naging dahilan para madungisan pang lalo ang imahe ng PNP.
Abangan!