Nasa tono ang song ni Jean granade este mali Granada pala, isang sekyu sa Philippine Drug Enforcement Agency, nang kumanta toits kung nosi ang mga magkaka-kosa para nakawin ang shabu sa evidence vault ng kanilang office. Ika nga, si PDEA bossing Dionisio Santiago ang nakinig sa orasyon este mali kanta pala ni Granada.
Maganda ang kanta ni Granada, kaya enjoy sa pakikinig sina Santiago and his PDEA officers kaya nalaman nila na isang Supt. Jerome Mutia, dating deputy sa PDEA Special Enforcement Service, Inspector Jofredo Padillo, dating taga-PDEA Laboratory Service, Oliver Fernandez, sekyu kasama ng ating singer samantala at large pa up to now ang isang Supt. gestapo este mali Gustavo pala Torres, at PO1 Pedro Avelino.
Sa lyrics ni Granada, nalaman nina Santiago at iba pang music lovers sa PDEA na may P1 million pangako si Mutia sa singer at Padillo pero the promises are made to be broken dahil ang naibulsa lamang daw nila ay P135,000 mula sa pinag-uusapan. Ika nga, talagang bukolero si Mutia? He-he-he!
Mabigat ang mga kaso nito kapag napatunayan ng court na sila nga ay nagsabwatan para nakawin ang shabu na evidence ng Republic of the Philippines versus mga kamoteng nahulihan nito noon.
Nasaan ang 7 kilong shabu ngayon? tanong ng kuwagong pusher ng kariton.
Oo nga, no!
Asan nga ba? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Teka lang!
Kung nahuli si Mutia at mga bataan nito sa buy-bust operation sa isang lugar sa kyusi dapat tindihan ng gobyerno ang isasampa sa kanyang case? anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Siguro matagal na nilang ginagawa nito at ngayon lang nabuko?
Asan ang ninakaw na shabu?
Nasaan nga pala PDEA bossing Santiago?
Sana wala ito sa kalye?
"Naibenta ba muli ito sa mga dupang?
Totoo ba ito General Santiago, Your Ho-nor?
Abangan natin ito kamote!