Ilan sa mga karaniwang palatandaan nang pagkakaroon ng sobrang stress ay ang mga sumusunod: Pagiging masungit at irritable, sensitibo sa mga pagpuna at kritisismo, nahihirapan sa pagtulog at masyadong maagang nagigising, sobra kung manigarilyo at uminom ng alak, parang wala sa sarili at ang kawala ng concentration. Ayon naman sa pagsasaliksik, palatandaan din ng taong sobra ang stress ang walang tigil na pagkagat niya sa mga kuko sa daliri.
Kapag nakita ang mga palatandaang ito, dapat ku-milos kaagad para na rin sa maayos na physical and mental health.
Kapag nararamdaman na things are getting on top of you, give yourself some breathing space. Take a day-off from work. Isantabi muna ang gawain sa tahanan at gugulin ang buong araw sa mga bagay na magpapa-relax at magpapaligaya sa iyo.