Hindi biro ang ginawa ni Mac matapos niyang paglaruan ang seguridad sa paliparan. Sabi nga, marami ang napahiya!
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO si retired General Angel Atutubo, ang bossing ng Security and Service sa paliparan tungkol sa ginawa ni Mac pero natawa lamang ito dahil ang birong ginawa ni Mac ay bumalik sa kanya. Ika nga, inihahanda ang kaso kay Mac.
Bawal kasi sa paliparan hindi lang sa NAIA kundi sa lahat ng airport sa buong kapuluan ang magbiro para takutin ang madlang people todits.
Ang ginawa kasi ni Mac sa paliparan ay umabot hindi lang sa Jolo o Aparri kundi sa buong mundo kaya naman pinagtatawanan tayo ng international intel group. Sabi nga, pakaang-kaang pala ang security. He-he-he!
Hawak ng intel group ngayon ang tape from the close circuit television na nakuha kay Mac before ito mag-ride papuntang Davao from Manila.
"Ang mga authorities na lamang ang dapat kumalkal sa case ni Mac," sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
"Masyado kasi itong sensitibo," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ayaw ng Chief kuwago na ikuwento pa ang malalimang operasyon sa NAIA regarding sa security baka kasi may makaalam pa nito."
"Tumpak ka diyan kamote!"