Samson Macariola, lagot ka!

LAGOT si Samson Macariola, ang anti-terrorist expert kuno na nag-ala-James Bond sa Manila Domestic Airport kamakailan kasi pinag-iisipan ng government na sampahan siya ng case sa ginawa niyang panggugulo ng security set up ng NAIA. Sabi nga, perwisyo.

Si Delilah este mali Samson pala ay sumakay ng aircraft patungong Davao kamakailan para subukan ang kanyang ala-James Bond style sa pagpupuslit ng mga bombing devices.

Nakalusot ito sa paliparan kaya nga pinag-aaralan ngayon ng MIAA na i-retraining, mag-conduct ng isang refresher course at i-reshuffle ang mga bantay salakay during that time. Naitago kasi ni Samson sa kanyang toga ang sinasabing C-4 bomb at ilan pang gadgets.

Sa madaling salita nalansi niya ang guardya sibil sa paliparan. Nai-hide niya sa kanyang luma at mahobard na toga ang mga bombing devices. Kaya nga, he-he-he! tuwang-tuwa si Samson ng mga oras na iyon.

Ayaw isipin ng mga kuwago ng ORA MISMO, na gigipitin ng government si Delilah este mali Samson pala dahil sa kahihiyan nilikha nito. Kinakantiyaw tuloy ang security measures sa NAIA ngayon. Ika nga, laughing ang buong mundo.

Alaws pa lang nag-utos kay Samson na gawin niya ang gimik sa eroplano dahil deny to death si Davao City Mayor Rudy Duterte na inutusan niya ang kanyang bata na maglaro ng apoy este mali sa eroplano habang nasa ere toits?

Kaya nang ma-perfect ni Samson ang kanyang pelikula at isipin siya ang bida dito pumasok ang kontrabidang gobierno at pinakakasuhan ito ngayon.

‘‘Hindi naman nagpabaya sa kanilang tungkulin ang taga-airport nang pumasok sa paliparan si Delilah este mali Samson pala,’’ anang kuwagong mangdidila ng tenga.

‘‘Siyempre plastic at laruan ang gadgets ni Samson kaya dehins ito halata,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ang problema ay napahiya ang taga-airport at ang Pinas.’’

‘‘Tumpak ka diyan kamote!’’

Show comments