samantalang ako naman sa lupa ay isang lawa;
kung ang gabiy madilim na at ako ay titingala
tayong dalway magkatabi sa tubig kong mapayapa!
Nasa tubig ang ganda mo sa lawa kong may bituin
sapagkat ang iyong ganda may repleksyong maluningning;
kaya ako sa lupa man maligaya ang damdamin
agwat natin malayo man lagi pa ring magkapiling!
Kung ang gabi ay maulap at hindi ka lumilitaw
lawa akong nagsisikap sana ikaw ay matanaw;
datapuwat kung ang ulap ay may bagyong kaulayaw
ang puso koy nagdurusa pagkat ayaw mong pasilay!
Nagtatago ka bituin sa patak ng tubig-ulan
kaya akoy isang lawang sa pag-agos tangay-tangay;
kung ang agos ay huminto saka pa lang matatanaw
ang ganda mong nasa langit bituin kong minamahal!
Dahil lawa lamang akot bituin kang sakdal ganda
naglaho man yaong bagyo nasalungay mga baha;
kaya putik, mga yagit kaulayaw sa pagsinta
kailan kaya sa tubig koy muli kitang makikita?
Sanay walang bagyo, walang baha at wala ring ulan
upang ang ganda moy palagi kang namamasdan;
pero dito sa daigdig kung ang buhay natiy ganyan
akoy lawang matutuyo walang tubig na kikinang!
Saka ngayong naglaho na ang balakid sa pag-ibig
nakita kong nagluningning ang ganda mong nasa langit;
sa ubod ng aking pusoy muli tayong nagkalapit
pagkat ikaw saka akoy magkatabing maiidlip!
Sabay tayong maglalakbay sa lundo ng pangarapin
hanggang akoy makasapit sa langit mong mabituin;
umaga na pero tayoy magkatabit magkapiling
tala ka nat ako naman ang lawa mong naglalambing!