Pero may pagkakataon na nagkakaroon ng pagkakamali o depekto ang ATM at ganito ang nangyari sa mag-asawang Leslie at Ging Aguilar.
Nag-withdraw si Ging gamit ang ATM card ng BDO ng P3,000 sa SM Centerpoint. Buntis kasi si Ging at kailangan niya ng gagastusin. Subalit offline ang BDO ATM kaya lumipat si Ging sa malapit na PCI-Equitable ATM. Pagpasok ng card sa machine, nagbigay kaagad ang ATM ng error message na transaction temporary unavailable. Ang masama, walang resibong lumabas sa transaction. Umalis si Ging. Subalit hindi pa siya nakalalayo, may isang lalaki na tagumpay namang nakapag-withdraw kayat bumalik si Ging at nag-try muli.
Namangha si Ging dahil tulad ng una niyang transaction, ganoon pa rin ang naging resulta. Wala ring resibong inisyu ang ATM. Pagkalipas ng ilang minuto, nag-check si Ging ng balanse ng kanilang pera at nalaman niyang nakaltasan na ito ng P10,000.
Nagtungo si Leslie sa BDO SM Centerpoint at ni-refer naman siya sa tinatawag na Call Center ng banko. Inamin ng mga ahente ng Call Center na nang mag-transact si Ging, may problema talaga ang kanilang ATM machine. Pero walang makapagsabi sa kanya kung makukuha pa ang P10,000 na nakaltas sa account nila ng depektibong ATM. Umuwi si Leslie na lulugo-lugo.
Hindi nawalan ng pag-asa si Leslie. Sumulat siya sa branch manager ng BDO SM branch na si Ma. Paz Gladina-Marquez noong April 25, May 4, at June 1, taong kasalukuyan para humingi ng tulong para mabawi ang pera. Pero wala pang aksiyon ang kanyang mga sulat.
Manganganak na ang asawa niyang si Ging at sana naman, kahilingan ni Leslie na matulungan sila ng BDO na mabawi ang nakaltas na P10,000 dahil sa depektibong ATM.