Madrama ang 13-pahina salaysay. Dinetalye ni San Juan kung paano siya ni-recruit ni Capt. Milo Maestrecampo at Ltsg. Antonio Trillanes para sa Oakwood Mutiny nung July 2003. May ritwal pang itinuro si Gringo na pag-ukit ng alibatang "K" sa may kilikili at pagpirma ng dugo sa sumpa. Dinakip sila lahat nun, pero nakakalabas si San Juan sa maluwag na detention sa Fort Bonifacio para patuloy na makipagpulong kay Gringo.
Nang ililipat sila nung Jan. 17 sa mahigpit na Army Intelligence and Security Group, mabilis kumilos si San Juan. Pinalabas ni Atty. Pulido sa media na in-incommunicado sila. Pero sa totoo nakatakas sina San Juan, at sinundo ni Atty. Belmonte sa Libis, Quezon City. Itinago muna siya nang tatlong araw sa isang kumbento, bago inilipat nang isang buwan sa bahay ni Bishop Tobias sa East Fairview, QC.
Ani Tobias sa broadcast interview, tatlong araw lang si San Juan sa bahay niya pero pinalayas nang dumating ang misis. Pero sinumpaang salaysay ang kay San Juan na doon sa Fairview house siya galing nung Feb. 20 nang makipagpulong sa New Peoples Army leaders sa Padre Burgos, Batangas, kung saan nadakip siya muli ng mga awtoridad.