Kapuna-puna na lagi siyang nakapantalon at kung naka-palda naman ay makapal ang kanyang stockings. Kaya pala makapal ang medyas niya ay may tinatago siya. Meron siyang vitiligo sa mga paa na umaakyat na hanggang sa kanyang binti. Marami na siyang nagastos sa pagpapatingin sa doctor at pagbili ng mga gamot at mga cream na ipinapahid niya sa animoy mga puting patse-patse sa balat niya. Bunga ng kanyang vitiligo iniwasan niya ang magpaligaw hanggang sa maging matandang dalaga siya.
Ayon sa dermatologist na si Dr. Grace Palacio-Beltran ng St. Lukes Medical Center, hindi nakakahawa ang vitiligo. Ipinaliwanag ni Dr. Beltran na ang vitiligo ay dala ng mga cells na sumisira sa melanocytes na pigment producing cell. Ito ang kaso ng American popular singer na si Michael Jackson na tinubuan ng vitiligo sa mukha at leeg. Maging ang yumaong award-winning director na si Lino Brocka ay may vitiligo naman sa pisngi.
Sinabi ni Dr. Beltran na namamana ang vitiligo. Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng diabetes, tyroid problem, permiscious anemia, connection tissue disease gaya ng lupus. Ang vitiligo ay auto immune at hindi ito nagagamot pero hindi nakahahawa.