Mafia sa NFA - Part 4

NAKASIKSIK daw sa ilalim ng palda ni Prez Gloria Macapagal Arroyo si Jojie pal kuh sia, ang Pinoy – tsekwa na super millionaire at isa sa mga bossing ng MAFIA sa NFA.

Sulsultant si Jojie pal kuh sia, sa langit pagdating sa usapin smuggling at diversion ng bigas. Kasamahan siya nina Glen Miller dahil mangingiskis din ito ng palay to bigas. Sabi nga, nagtitinda ng makina.

Si Jojie pal kuh sia, ay miyembro ng ‘‘we bulong’’ group sa malakanin este mali palace pala dahil siya ang tsuwawa sa mga taong kalaban ng MAFIA sa NFA. Ika nga, kapag kalaban grupo tiyak huli!

Respected citizen si Jojie, ng mga bigtime Pinoy – tsekwa sa Pinas dahil magaling magtago ng kawalanghiyaan.

Ang operation ng MAFIA sa NFA ay pagnakawan ang gobyerno at gutumin ang PILIPINO people itakbo ang atik sa ibang bansa para doon gastusin at hindi sa Pinas! Sabi nga, sa British Virgin Island sa Carribean.

Si Jojie pal kuh sia at Bong limlim kasoy ang gang mates sa lahat ng uri ng kawalanghiyaan. Sana masilat sila ng KFR para mabawasan ang pitsang ninakaw nila sa gobyerno at madlang people.

Makikita sila sa gabi sa kanilang itinayong bar and restaurant sa Roxas Boulevard, Pasig City, Makati City at Timog sa kyusi. Nakabase ang MAFIA sa NFA sa Marikina, Pasig City, Iloilo at ang isa sa mga millionaire ay sa Bulacan.

May mga farm toits sa Bulacan, Rizal at Batangas dami kasi silang kinita sa diversion ng NFA rice. Sako lang ang pinapalitan at presto tubong lugaw ang buwelta ng kapital.

From P16 to P18 ang bawat kilo ng NFA rice dahil sa diversion operation nila biglang P22.00 pero kilo ang halaga ng bigas sa merkado. Ang NFA rice na pinalitan ng sako ay dehins mapapansin ng madlang people.

Si Alex konsehala, ang super think tank todits. Kilalang-kilala siya ng mga bugok na politiko at taong gobierno dahil siya ang taga-deliver ng atik sa mga ito. Ika nga, boy abono kung tawagin.

Matindi ang operation nina Jojie kuh pal sia and Bong limlilm kasoy dahil pitsa ang pinagagana nila sa mga bugok sa NFA kaya naman alaws makagalaw sa kanila todits. Ika nga, everybody happy!

Noong panahon ni dating Prez Erap nagsitaba ang grupo ni Jojie pal kuh sia at Bong limlim kasoy na sina Republic of the Philippines, a.k.a. RP, Alex konsehala, dok, EJ, Thor at Juliet pana ng Bulacan kasi ang mga ito ang nagnakaw ng todo sa Pilipino people.

Ayon sa mga brother ng Chief Kuwago parang tsunami ang buhos ng pitsa sa kanilang life. Mga mansion na haybol, highend na sasakyan, mamahaling condominium echetera.

Sa mamahaling lugar sa Pasig City at Quezon City nakatirik ang kanilang mga condos at mga mansion na house sa Marikina City. Sabi nga, nakakalula ang dating!

Iba ang negosyo ng MAFIA sa NFA para silang mga santo kung titignan dahil restaurant and bars ang kanilang ipinundar para nga naman dehins sila halata.

Hawak ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang SEC registration ng mga negosyo ng MAFIA sa NFA mga names ng dummies and address nila kung magkano ang share of stocks.

‘‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago,’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Next Tuesday part 5,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘May ahensiya pala ng gobyerno ang kakalkal sa kawalanghiyaan ng grupo,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Busy sila ngayon kung paano nila ililipat ang ninakaw nilang kayamanan sa pangalan ng ibang tao.’’

‘‘Abangan, kamote!’’

Show comments