Silay pawang kinilala na pantas at mahuhusay;
Sa panulat nilang hawak matatanto ang dalisay
At magandang guniguni sa isipan at sa buhay!
Silay mga manunulat na lagi nang di salungat
Sa takbo ng buhay na tuwina ay kaharap;
Di rin sila gumagawa ng mailap na pangarap
Pagkat silay nabubuhay sa damdaming mapagtapat!
Mga kwento at istorya na kanilang nalilikha
Kailanman ay di ito nagligaw ng paniwala;
Sinusunod nilang tema ay tumpak lang di masama
Kaya silay itinampok at ang ibay nadambana!
Pero ngayoy sino itong manunulat na pangahas
Na ang librong dala-dala parang lisya sa matapat?
Inakda nyang kasaysayan mababasang pasalungat
Sa nagisnang paniwala ng maraming manunulat?
Ah, marahil siyay taong ang panulat ay pagod na
Kaya ibang paksa naman ang kanyang naipakita;
Kung sa paksang naiisip ay di siya dumakila
Naisipan ay manlaban upang siyay makilala!
Hindi siya nasiyahan sa takbo ng panulatan
Kaya siya ay nagbago ng damdamin at isipan;
Ang tumpak ay iminali binaluktot ang katwiran
Binago nya ang estilo at maraming kinalaban!
Sa pagbanat niyang ito ay maraming nagtataka
Tinuklas ang sinasabing sa kwento nyay kakaiba;
Libro niyay isinalin sa mahabang pelikula
Kaya itong manunulat sa inasal ay masaya!
Sa tapatang paglilimi ang kwento ng manunulat
Kathang-isip lamang pala hindi siya naging tapat
Tayo namang nagbabasat nanood pa ng palabas
Nalansi ang paniwalat tayoy naging mga ungas!