May mga gamot na pansamantalang nalulunasan ang pagiging impotent pero walang masasabing epektibo. Ang pagbibigay ng testosterone ay maaaring makapagbigay ng pansamantalang improvement sa pagka-impotent ng lalaki subalit may mapanganib na epekto gaya ng pagkakaroon ng prostate cancer at ang pagsobra ng red blood cells na maaaring maging dahilan ng stroke. May mga kalalakihan na gumagamit ng binding at vacuum devices upang tumigas ang kanilang ari. Ganoon man, binabalaan ang mga lalaking may bleeding disorders at nagti-take ng anti-coagulant medicines na huwag itong gawin o kayay mag-experiment.
Sa Belgium, nakaisip ang isang grupo ng mga urologists ng isang pelvic muscle exercises na nakagagamot sa pagiging impotent ng lalaki. Tinawag nila itong Kegels exercise na katulad ng exercise na ginagawa ng mga buntis para madali silang manganak.
Sinubukan nila ang Kegels sa 150 lalaking impotent at naobserbahan nila na pagkalipas ng isang taon, 58 percent ng mga impotent ay nagamot ang kanilang pagkainutil samantalang ang iba ay nag-improved ang pakikipagtalik. Dahil dito ang mga kalalakihang impotent ay hindi na naghanap pa ng therapy options.
Ganoon man, sinabi ng ilang doctor na ang pag-exercise ng pelvic kagaya ng ginagawa sa Kegels ay walang kinalaman para magflow ang dugo sa penis. Sinabi nilang kaya nag-improved ang pakikipagtalik ng mga kalalakihan ay dahil sa psychological effects ng theraphy. Sa mga lalaking mild lang ang nararanasang pagkainutil, maaaring makatulong ang Kegels exercise. Maaari silang kumunsulta sa mga doktor o mga obstetricians para malaman kung paano ginagawa ang Kegels.
(Sa susunod na Linggo: Ang hiwaga ng Viagra)