Sa pananampalatayang Kristiyano, ang misteryo ng Banal na Trinidad (Tatlong Persona sa iisang Diyos) ay ipinapaunawa sa pamamagitan ng paghahalintulad nito sa isang kandila.
Ang isang kandila ay isang kabuuan (iisang Diyos). Ang katawan ng kandila ay sumasagisag sa Ama; ang mitsa ng kandila kapag nasindihan ay nagbibigay ng ilaw (sumasagisag sa Anak); at ang init na lumalabas sa nakasinding kandila ay sumasagisag sa Espiritu Santo. Datapwat ang kakulangan sa paghahalintulad ay Sa Banal na Trinidad, ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay Tatlong magkakaibang Persona, na gumaganap sa sari-sarili nilang kapangyarihan at silay nabubuklod ng pagmamahal sa isat isa, datapwat iisa lamang ang Diyos. Samantalang sa kandila, hindi maaaring maihiwalay ang katawan ng kandila sa mitsa nito, at hindi maaaring magkaroon ng liwanag at init ang kandila kapag hindi ito sinindihan. Hindi kumpleto ang kandila kung wala ang mga bahagi nito.
Si Jesus mismo ang nagturo at nagpatunay hinggil sa presensiya ng Banal na Trinidad (Mateo 28 16-20).
Ang 11 alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus. Nang makita nila si Jesus, siyay sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ko sa inyo. Tandaan ninyo Akoy laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan."